Friday, June 20, 2008

Doughnuts again

Yahooo!!! pasalubong nanaman from hubby my favorite doughnut again and 2 boxes pa ha! ha! ha! yari nanaman ang diet ko nito. di bale once a month lang naman ako madalan ni hubby ng doughnut. Sayang at wala ang mga makukulit kong kapatid para mabahagian nito. Kami lang ni hubby titira nito. Actually kulang pa nga yung pasalubong nya eh (demanding ang lola) nakalimutan nya yung pinabibili kong bread sa breadtalk miss ko na rin kasi yun, pero ok na rin kasi 2 boxes naman ito eh masaya na rin ako atleast may pasalubong uyyyy.
Pasensya na mga friends at puro pagkain ang nakikita nyo dito sa blog ko papalitan ko na nga to ng title na "Kainan NA" (joke lang). Sarap kasing kumain ngayon tagulan, may bagyo pa dito ngayon sa Bacolod kaya lalong mas masarap kumain.

Thursday, June 19, 2008

Tag-ulan na


Tag-ulan na at anong masarap gawin sa tag-ulan maliban sa pagpapadami ng??? butete na nagiging lamok (kala mo kung ano nho). Syempre ang kumain, at isa sa paborito kong kainin tuwing tagulan eh ang Meatballs Congee na masarap kapartner ng Tofu at Siopao saraaaaaap!!! Malamang tambay nanaman ako sa Chowking nito sa dami ng choices na pagpipiliin (noodles and Lomi gusto ko rin).
Masarap din kumain ng tuyo na may sawsawang suka na may bawang at kunting paminta with sinangag o garlic rice (potaahh!!naglalaway na ko) o kaya itlog maalat at kamatis habang nagkakamay.

Ano ba mikaela may nagdidiet ba na puro pagkain ang iniisip tsk!tsk!tsk!
Ahh Basta masarap kumain sa tag ulan, Ikaw anong paborito mong pagkain sa tuwing tagulan?

Instant Soup

Dahil may estudyante na akong dapat asikasuhin (si hubby nag mamasteral) maaga ako nagigising para mag prepare ng almusal (naks ulirang asawa). At ito ang isa sa kanyang mga sang katutak na paboritong ka partner sa almusal ang cream of mushroom soup at toasted bread. Mahilig kasi si hubby ko sa soup kaya pagnauubusan na ko ng recipe may nakaresirba na kong Knorr Soup (esp. crab and corn and cream of mushroom) para walang angal. Easy na affordable pa. 1 small pack of knorr Cream of mushroom good for 2 persons 11.50 lang, lagyan lang ng kunting butter and 1 egg, topped with krotons ola may instant soup ka na. Sabayan mo lang ng toasted bread or pandesal solve na almusal na.

Wednesday, June 18, 2008

Sweets again/Caesar Salad

Tumakas ako kanina habang nagbabayad ng Smart Bills (smartbro and phonebill) di ko makapagpigil at pilit nanggigigil na hindi bumili ng Choco mousse cake at Mocca Frost sa Calea (famous pastries and coffee house here in bacolod) at nag takeout habang si hubby ay walang kamalay malay na may ginagawa na kong milagro at pag nakita nya to malamang basag ang fes ko, grounded ako sa games, di ko makakalabas ng bahay, puputulin ang line ko at higit sa lahat walang tV (ano ko bata) wala naman ganon!. Masarap yatang kumain habang nag bla-blog davah!. Syempre sasabihin ko last na to hindi na ko kakain. Tama naman yun last na to for this month ha! ha! pwede na rin. (tigas talaga ng ulo)

Speaking of Pagkain kagabi nag Caesar Salad kami ni Hubby, homemade salad na affordable. Dahil nga pareho na kaming nag didiet sa isip sa salita at wala sa gawa kailangan mag veggies na lang kami sa gabi or bread kaya ginaya namin ang Caesar Salad ng Pizza hut. heto

Kulang lang kami ng krotons and parsley wala kasing mabilin sa supermarket. Super affordable lang ito kayang kaya ng bulsa natin mga suki. Ang mga kailangan lang ay:

(1) Lettuce - Piliin ang Iced Lettuce, medyo mapaiit kasi ang romane lettuce mas masarap at crunchy ang iced lettuce. Prize 30 to 40 pesos depende sa bigat good for two na etech.
(2) Caesar Dressing - Lady's choice caesar dressing carry na sa lasa, Prize 76.75 pesos only
(3) Parmesan Cheese -Kraft Parmesan Cheese, Prize 72 pesos
(4) Bacon - bumili ng tinge pede na yun meron naman sa supermarket na tinge. 40pesos marami na yun
(5) parsley and krotons na mabibili sa supermarket wala nga lang akong nabili dito pero mas masarap kung meron.

Hugasan lang ang lettuce sa running water tapos cut na ayon sa laki na gusto mo, haluin lang kasama ng salad dressing, topped with bacon, parmesan, krotons and parsley. Ola may instant Salad ka na. Syempre the best kung medyo chilled ang lettuce.

O diba wala pang 200 may instant salad ka na affordable na healthy pa . Go try nyo rin

Tuesday, June 17, 2008

To drink or not to drink



Katanungang namumutawi sa aking isipan "to drink or not to drink cold drinks"?. Dahil nga ako ay nagpapapayat sa isip sa salita at wala sa gawa marahil dapat ko ng iwasan ang mga ganitong klaseng inumin (waaaaaaaaaaahhhhh di ko kayang iwan ka,hindi ko kayang iwan ka pagkat dito sa puso ko talagang favorite kita ).
Ito na ang panahon ng pagbabago. Ipokus ang atensyon sa pagbabawas ng bhilbhil.
Sabi ni Hubby daliri ko lang daw ang pumapayat dahil sa kapipindot ng controller ng PS2 tama ba naman yun.
Truly Madly Deeply trululu na ito ibalik ang naglahong alindog!
Goodbye Super Shake , Goodbye Frappuccino coffee drink, Goodbye Black forest shake, Goodbye Goodbye!
Hello TaeBoo Boxing and Hello Hiphop Abs.
****************************************
KONSENSYA PASOKKK!!!
Ako ang iyong Konsensya siguraduhin mo lamang na iyong gagampanan ang iyong mga binitiwang salita. Sa aking obserbasyon eh lolokuhin mo lamang ang yung sarili dahil wala kang disiplina. Naalala ko sabi mo mag after six ka...anak ng pitong kuba pagdating ng after six natataranta ka ng kumain parang wala ng bukas. Sabi mo araw araw kang mag seatups eh puro ka lang seat walang ups. Sabi mo di kana bibili ng donut eh ano yung nakita ni mister sa lagayan ng pinggan na dalawang pirasong donut. kapag hindi ka pa tumigil sa kahibangan mo lalayasan kita, ummmh mahirap yatang walang konsensya.
*****************************************
Isa kang sinungaling hindi totoo yan... Sisiguraduhin ko sayo papayat ako papayat akoooooo!!! taga mo sa dibdib ni Batista papayat ako
Gagamit ako ng charantia, fitrum (looking wow feeling Wow) Arthro, amapalaya plus, memory gold lamang ang may good memory, Heartbit (para matibay na ang puso ko), liveraide, circulan (nasa dugo lang yan) and many more...
Goodluck!

Monday, June 16, 2008

GASOLINA

Gasolina pataas pataas ng patas, gasolina hindi na bumaba bumaba ng bumaba, Let's get Awwwww . Walang tigil walang pagod sa manong kakapalit ng presyo sa may board ang potahhhh! kakainis, kakasulasok, kakapraning, nakakatorete sobra na! tama na! tigilan mo na Manong (isisi ba kay manong?) pipitikin ko lungs mo pag di mo pa tinantanan yan pag babantay mo sa presyo pataas ng pataas. Ano ba ang magagawa ng isang simpleng mamayan sa krisis na to. Hanggang kailan ba aabot ang presyo ng isang litrong Gasolina 60? 70? 100?. ano ang susunod na mangyayari? ano ang susunod na tataas?. Ang ZTE Scandal na untiunting nawala sa sirkulasyon at ang kaawa-awang Testigo na naubusan na nag buhok sa kahahanap ng katarungan. Ang Krisis sa bigas na nagawan na "daw" ng paraan ay napalitan ng Meralco vs GSIS agawan at sisisihan. ang pamumudmud ni madam ng 500p pambayad ng kuryente ng mga dukha natin kababayan na nakatulong nga ba? hay mga katanungan mahirap hanapan ng kasagutan kung ang kasagutan ay tinatago sa kasingit-singit ng singit at pilit isisingit. Ano gagawin ko lulunukin nanamnamin ang bawat araw na lilipas na wala akong ginagawa. Ano pa hinihintay ko? ako'y susugod na sa pinakamalapit na chowking para kumain(singit talaga ) nagugutom na ko eh. mabubuset lang ako at mapapraning kung dadamdamin ko tong lahat baka paguwi ng kabiyak ko si sisa na madatnan nya. Kainan na!!!

Famous Pastel




Camiguin's Famous Pasalubong. PASTEL- a bread with "yema" filling
Pasalubong from my Asawa last thursday from Camiguin to Cagayan de oro to Manila to Bacolod to ME! request ko talaga to everytime may Meeting si Asawa ko sa Manila nagpapabili sya sa friend namin na si sir Tony (thank you bawi ako ng butterscotch).
Nabighani ang aking katakawan ng dumampi sa aking mala angelina jolie labi ang precious tinapay na ito noong isang taon ng pumunta si Hubby sa Camiguin at nag dala ng 3 boxes ng Pastel. Kaya hinahanap hanap ng aking panlasa.
Gusto ko rin ma explore ang kagandahan ng Camiguin at mapuntahan ang sikat na Underwater Cemetery (Sunken Cemetery) na nakikita ko lang sa mga pelikula tulad ng QUIJA. Buti pa tong Kabiyak ko eh nakapag explore na sa Camiguin at Cagayan. Next time ako naman

Saturday, June 14, 2008

Incredible Hulk

Movie Date again at ito ang aming puntirya si HULK. Sa aking opinyon eh mas ok ang graphics nito kesa sa HULK ni Eric Bana noong 2003 na hindi tumatak sakin kasi nga napangitan ako sa graphics kaya nakalimutan ko rin yung storya. Kainis hindi na showing dito yung SEMIPRO inaabangan pa naman namin ni hubby yun at ang Sex in the City at Zohan hindi parin Nag showing dito 4 lang kasi cinemas ng SM pero grabe sa mura 65 lang san ka pa eh sa manila 100 plus ha ha ha sulit na sulit.

Happy Father's day

zwani.com myspace graphic comments
Happy Father's Day to all the daddy out there and ofcourse to my wonderful PAPA happy father's day.
My Lovable papita, papsie, pop, papa. look alike ni Jimmy Santos(kaya lagi akong nanonood ng eat bulaga para makita ko si jimmy santos ha ha) very cool at responsible na tatay. Naalala ko pa nung mga panahon ako'y maliit pa tuwing matutulog kami gusto ko nakayakap ako sa kanya sa may bandang kilikili tapos aamoy-amoyin na para bang wala ng bukas he he he. Siya rin ang kakampi ko pag may gusto akong bilin at umaalma si madir di sya makatiis at sisimplehan nya na bigyan ako ng pera para mabili ko. Noong time na nagaaral ako sa Unibersidad ng Silangan sa Kalokohan este Kalookan isang gabi umuwi ako na madumi ang tshirt nakita ko sa mata nya ang pagalala sabi ko pop nasnatch yung kwintas ko eh umalma ko natadyakan ko sya sa gulat kaya di nakuha..sabi ni erpat anak ng ...... pag ganyan na ang sitwasyon wag ka ng lalaban at baka umuwi ka ng may gripo sa tagiliran mawalan pa ko ng amasonang anak. Noong ako'y tumuntong ng disiotso aba'y akalain mong ngumawa habang kami'y nagsasayaw sa dancefloor at natiniktinik na ko sa hawak kong rosas dahil sa kapipigil na maluha. At noong kami'y magpaalam ng lalagay sa tahimik eh natahimik sya (ha ha ha) pero syempre natanggap naman nya dahil mabait naman ang aking kabiyak, nasabi nya lang sakin na magaasawa ka na michelle tama na ang panonood mo ng Cinderella at Snow White.

Hay kay bilis ng panahon i wish mabawi ko rin yung mga araw na hindi kami magkakasama. Miss you pop! love you so much!!! See you soon!

Monday, June 9, 2008

Emoterang Ate

Moment ko ngayon para mag drama dramahan lalo na (Himig Natin Intro) ako'y nagiisa at walang kasama di ko makita ang aking pag asa (pause). Na prapraning talaga ko pag wala si hubby. Lalo kong na mimiss ang aking makukulit na kapatid at aking mga mapagmahal na magulang. hay matagal tagal pa ang aming muling pagkikita lalo na mahal ang ticket ngayon sa Eroplano at di ko carry mag Supperferry(mag ka ryme ha) dahil mahiluhin ako at sobrang haba ng byahe at kailangan muna namin magtipid tipid ni hubby dahil sa mahal na gasolina(buset).
Na mimiss ko ang mga kulitan namin magkakapatid ang taguan, halakhakan, puyatan sa panonood ng cartoons, foodtrip sa gabi, umaatikabong kilitian. Siksikan matulog dahil gusto namin magkakatabi lahat sa isang kwarto. Lahat yan sobrang na mimiss ko. Lalo na si epeng (8 yrs old)kulit di nauubusan ng tanong at katwiran malamang maging abocado este abogado to sa takdang panahon. Feeling ko nakuha nya sa akin ang sense of humor dahil sabi ni papita pareho kaming pilyo at makulit nung bata. Si Jovi (14) Rokistang Payatot na hilig mag skateboard at ka jamming ko sa gaming, malambing na kuya pero madaling mainis lalo na pag nangungulit si bunso. Nakuha nya ang talent namin ni shiela ( drawing) at sa akin naman ay ang hilig sa pagkanta at gitara. si Shiela (23) aking sister/bestfriend isang graphic artist sa isang kilalang company na nagdedesign ng toys at mga happy meal, kiddie meal etc etc... gustong mag abroad para tumaas ang market value at makaipon din. hikain nung bata, at sobrang inggit ako dahil sa malakas na metabolism nya kahit kumain ng bandihadong kanin eh hindi tumataba...(putcha) sana ako din. Namana nya ang pag ka addik ko sa beatles at mas magaling na sya mag gitara kesa sakin. Malambing din na kapatid. Antukin pag nanonood ng movie. Araw araw kaming nag chachat para makakuha ng update sa mga kaganapan sa aming pamilya.

At syempre ang aking everdearest papa and mama, sino ba kamukha ko he he. Miss na miss ko na rin sila. Ang sabay sabay namin pagkain ng hapunan. Ang sabay sabay namin pag sisimba tuwing sunday. Last april pa kami nagkita kita at pinagluto ko sila ng burger steak at Carbonara bago ko umalis.

Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya lalo na ngayon lang din naman ako nalayo sa kanila. Pero wala naman akong bahid ng pagsisi dahil proud naman ako na maayos ang pagsasama namin ni hubby at napakarami namin natututunan sa bawat araw na nagdaan (naks, ayos)

See you soon!!! miss you all!!! love you!!!

Saturday, June 7, 2008

KungFu Panda

Everybody was kungfu fighting...hindi ko talaga pinalampas ang first showing day nitong kaabang abang na pelikulang ito gora agad sa pinakamalapit na sinehan kiber kung hindi pa bukas ang mall waiting lang ang lola mo (O.A.) joke lang syempre wait ko pa si hubby para may kasamang humalakhak. Mas masarap manood kung meron kang kaholding hands habang tumatawa uuuyyy!!! wa na paki kung lumabas ang tonsil sa kakahalakhak. Badtrip lang kasi meron akong katabing weird di ko ma gets kung bakit tumatawa sya ng wala sa timing at pagkalakas lakas pa. muka naman syang normal. hayyy weird talaga nya. Pero grabe talagang nag enjoy ako sa Kungfu panda di pa nga nagsasalita si Po(jack black) natatawa na ko sa expression ng face nya. si Monkey (jackie chan) nabitin ako sa dialogue nya ha hinihintay ko yung moment nya pero parang wala lang. Bibilin ko talaga orig version nito sa DVD at ipamamana ko sa aking mga supling. Mahilig kasi ko mag collect ng mga cartoons halos lahat kumpleto ko para pag naka baby ko madami sya panonoorin davah! anyway next cartoon movie sa list ko eh Madagascar excape from africa.

Wednesday, June 4, 2008

Guitar Hero

Sungha Jung playing Mission Impossible theme

Supercallifragelistik ,Walastik fantastic kid in Korea, Grabe, Hanep, to the highest level, panalo walang tatalo sa lupit nitong batang ito. Muntik ng tumulo lahat ng pwedeng tumulo muntik ng lumuwa lahat ng pwedeng lumuwa sa paghanga ko dito. Sa dami ng magagandang songs nya sa you tube video eh hindi ako magkanda uga uga sa pagpili ng ipo-post ko halos lahat gusto ko esp beatles song. hay grabe hindi ko kinaya to...makapunta nga sa korea now na ng makapag pa authograph dahil 100% superstar na itong batang ito sa takdang panahon

Tuesday, June 3, 2008

Tagged

Thanks KAT/Sojourn for this tag.

RULES:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of you blog, you need to choose 10 people to get tagged and list their threads.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

1. I am a certified Playstation addick.
2. My favorite cake flavor is Chocco Mousse cake.
3. I love to watch Movies with my hubby with matching popcorn on the side.
4. Im a big fan of Angelina Jolie and Jim Carrey.
5. Love to it pizza and sizzling pork sigsig
6. Outrageously Clumpsy
7. kikay and friendly
8. Currently stay here in The City of Smile but i grow up in manila
9. Cartoons Movie Collector
10. i love to cook and try other recipes (online recipes) i also love david cook he he he
Passing this tag to:
Mcahova, kiko, jenny , liz, hannah, ruthie, jamo, mylenjen, tom, liza

Monday, June 2, 2008

Las Vegas Movies

Last friday we watched "What happens in Vegas" starring Cameron Diaz and Supah papalicious Ashton Kutcher its a romantic comedy film were Joy (cameron) is expecting a marriage proposal from her live-in boyfriend but he dumps her, Joy heads to vegas to forget her troubles and discovers her fun. Unfortunately , she wakes up with recently unemployed Jack (ashton) as her husband. The two quickly decide to divorce, but the plot thickens when jack wins a $3 million slot jackpot using joy's quarter. Since neither one of them wants to give up the cash, they each try to drive the other to file for divorce and give up the bounty. But love has a funny way of appering when you least expect it.

I really like this kind of Movie a romantic comedy that will surely make you smile. Cameron and Ashton look good together.Ashton is so gorgeous and appealing.
Then yesterday we watched 21 starring Kevin Spacey and Lawrence Fishburne (he looks like keanu ribbs) it is a lifeless adaptation of the acclaimed true life novel "Bringing Down the House" which recounts the adventures of a group of MIT students who took on to las Vegas. The story is all about Ben (Jim) a brilliant yet socially awkward MIT student who has aspiration to attend Harvard Medical school but he cannot afford the tuition fee. Micky (Kevin) who is a math professor who recruits Ben to be a part of his card counting scheme to make millions from playing the blackjack tables in Las Vegas. He accept the offer of Micky to save money for his tuition in Harvard but unfortunately there always a conflict in any movie. I dont know how to play black jack so its hard for me to understand how they counting the cards anyway its pretty entertaining to me.

friends dont forget to watch Kung-fu panda this coming friday june 6 2008.

Saturday, May 24, 2008

Upcoming Movies

alarm clock ringing....yeah yeah its saturday may 24 Zzzzzzz "babe get up its already 7 o clock time to prepare for your exam (MBA entrance exam ) ofcourse iam his personal julalay so i got to be there for moral support(naks). After 3 hours of waiting (grrrrr) at the car with an oily face our next stop, SM bacolod to have lunch and to watch Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull starring Harrison Ford, Ray Winston(transformer), Cate blanchett(Elizabeth). Runtime 2hrs and 4 mins. This is the first Indiana jones movie that i have watched and i like it Indiana jones still looks dashing in a leather jacket. It's pretty entertaining.
Upcoming movies in our list.
> KUNG FU PANDA - June 6, Cast Jack Black,Angelina Jolie,Lucy Liu, Jackie Chan, Dustin Hoffman
>ZOHAN - June 6, starring Adam Sandler
>INCREDIBLE HULK - June 13, starring Edward Norton, Liv Tyler
>GET SMART - June 20, starring Steve Carell, Anne Hathaway, Rock
> WANTED - June 27, Action/adventure, starring Angelina Jolie,Morgan Freeman
> THE DARK NIGHT - July 18, starring Christian bale, Heath Ledger(R.I.P.),Gary Oldman
> THE MUMMY Tomb of the Dragon Emperor - August 2008, starring Brendan Frasier, Jet Li, Michelle Yeoh

Thursday, May 22, 2008

Iam a C.P.A

Oo C.P.A. ako as in Certified Playstation Addick...addick...addick. eh ano naman ang mahalaga importante ay lumigaya sa pangaraw araw na pamumuhay. Kesa isipin ang mga Bagay bagay na nakapag papainit ng ulo ko. Tulad ng pagtaas ng mga kung ano pang itataas kahapon laman ang unleaded gas 51.90 makalipas ang ilang oras anak ng pitong kuba pinalitan na yung sign sabi ko sa kabiyak ko..."babe Putank mo na nga yan baka bukas 60 na yan haaayyy. Buti na lang sa mga games wala pakilamanan, score lang ang tumataas. dito ko ibinubuhos ang mga galit ko sa gobyerno. Imaginin mo nalang si GMA lagay natin sa SIMS o kaya sa Resident Evil gawin kong Nemesis. Pwede rin sa Shadow of Colossus sya yung Colussus. Tapos yung mga Tiwaling Opisyal gawin kong Zombie sa silent hill game o diba exciting dun man lang maka ganti ko.

Wish ko lang bumababa na prize ng PS3 para makabili na ko...pero madami pa rin akong pending na Games di ko pa nasisimulan so habang mataas pa PS3 pagsasawaan ko muna ang aking my precious ps2 next year pa naman yung inaabangan kong part 3 ng God of war so ok lang madelay muna. my Next Game Fatal Frame wish me luck...nggggeeee kakatakot sobrang lakas pa naman ng vibriator nakakagulat buti na lang may heartbit para matibay na ang puso ko he he he.

Tuesday, May 13, 2008

Sizzling Gambas ala Michelle

Dahil may pasalubong ako galing kay IGO naisipan kong magluto ng masarap na pagkain at ito ay ang Shrimp Gambas, paborito nya kasi ang seafoods kahit medyo mahal ngayon ang seafoods dahil sa bagyo eh carry lang para sa minamahal. ito ay aking inimbento at ibinase sa lasa ng Gambas ng Balsa sa Niyugan restaurant (floating restaurant sa malabon city) dahil sa malayo kami eh na miss ko rin ang mga masasarap na pagkain doon lalo na ang pork sisig.

Kung kayo ay mahilig sa shrimp at trip nyo rin tong lutuin here's how (naks) to join type A1 for monotone, A2 for wallpaper and send it to 168divi (etchos) . Ang mga kailangan > bawang at sibuyas,> pula at berdeng sili,> carrots for life,>1 small can whole button mushroom na nabibili sa mga suking tindahan at supermarket,> 1 pack 25pcs na squid balls hatiin sa depende sa sukat na gusto mo, >1 small can young corn na hindi ko nabili dahil sa memory lost at wala akong listahan,>1/2 kilo ng hipon yung may kalakihan ng kunti tanggalin ang shell at hiwain sa likod,kunting hiwa lang para bumuka at para matanggal ang bituk
a,> tomato sauce and butter,>kunting soy sauce,>egg,>quail egg kung gustong idagdag
Ngayon tayo ng magluto. Gisa bawang at sibuyas sa kunting oil (corn oil mas mabuti) lagay hipon pag medyo orange na yung hipon lagay na tomato sauce at kunting soy sauce at kunting tubig pag kulo lagay na lahat (sili,mushroom,young corn,squid balls and carrots) haluin. Pag kulo timplahan ng salt,pepper at sugar (nutrasweet or equal mas mainam). Pag ok na sa iyong panlasa tayo ng mag sizzling. Initin ang sizzling plate, pag mainit na mainit na patayin ang stove. Lagyan ng Butter depende sayo kung gano karami mas marami mas masarap lagay egg beaten at ilagay na yung lutong Gambas sa ibabaw ng itlog ma aamoy mo na ang masarap na sizzling gambas.

thhhaaadaaaannnnn!!! my very own Sizzling Gambas

Pasalubong from Davao


Yes! dami ko pasalubong galing kay hubby ko from Davao City Philippines!!! Sayang di ako pwedeng sumama kasi business trip nila yun so iwan muna ang alindog ko dito sa bahay. Gusto ko pa naman ma explore ang kagandahan ng Davao City .Ayon sa ulat ng aking pinakamamahal na asawa marami daw Gimikan doon at malinis ang kapaligiran marami din eat all you can na kainan sa halagang abot kaya ng bulsa.


Davao International Airport

Sayang malayo kami sa Pamilya at hindi kami nakapagbigay ng pasalubong. Gustong gusto pa naman ng aking tanging Ina ang mga durian flavors na matatamis at ang mother in law ko gusto naman ng Suhang Davao. Pero syempre di ko naman mauubos yan lahat kaya namahagi din ako sa iba naming friends dito. Pero yung Davao tshirt para sakin talaga. thanks uli asawa ko.

Saturday, May 10, 2008

Saan ka Nag Aalmusal?


My new Favorite Almuchow PORK CHAR SIU
Yes this is my new fave breakfast at Chowking, its a tender pork fillets, marinated in a thick sweetish hoi sin flavored sauce with a charred and caramelized surface. Served with gaarlic rice and egg over easy on the side and best eaten when dipped in spicy vinegar yum yum.
Saan ka Nag aalmusal??? Saan pa eh di sa Chowking lang kung saan maraming pagpipilian, masarap at affordable. At meron pang mga bagong pagpipiliin ang Pork Char siu na aking paborito ang Ham ang Mushroom Omelet at Corned Beef Omelet masarap kasabay ng Hot Nai Cha at Coffee. Pag dito ko nag aalmusal kumpleto na ang araw ko. Ano pa hinihintay mo try mo na sa pinakamalapit na Chowking sa inyo.

Wednesday, May 7, 2008

Isang araw ng Kabusugan


Kain!!! kain!!! at isa pang Kain... Kahapon habang ako'y nagmumuni muni sa mga bagay bagay sa ating lipunan ay biglang tumawag ang aking pinakamamahal na kabiyak para ako'y sunduin kasama ang dalawa naming kaibigan upang kumain sa labas. Ako'y mabilis na gumayak. Kumain kami sa APOLLO Restaurant isa sa mga paborito kong Kainan dito sa Bacolod. Kami'y nabigo dahil wala ang aking paboritong putahe ang lechong Macao pero kumain pa rin kami. Pagkatapos kumain sa Apollo kami ay lumipat sa CALEA upang mag kape at mag cake at doon itinuloy ang naputol na masarap na kwentuhan. Sa Paglipas ng mga oras na hindi namamalayan unti unting naramdaman ang pagka umay sa kinaing cake kaya napagdesisyunang kumain ng Pizza. Kami'y umalis sa Calea at nagtungo sa Golden Fields at nag hanap ng makakainan. Kami's napadpad sa Pizza's Restaurant at doon umorder ng 14inch (ano ba tagalog ng inch?tsk) na Pepperoni Pizza at isang pitsel na beer. at walang sawang nagkwetuhan. Hanggang? Aba'y Gabi na pala at kami'y nagpasyang umuwi na.

ako'y may isang katanungan lamang. "Bakit sa tuwing may natitirang isang pirasong pag kain sa hapag kainan ay kailangang magkahiyaan pa".

M' Shiela, Sir July at ang aking kabiyak (uyyyyyy)

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008