Showing posts with label foods. Show all posts
Showing posts with label foods. Show all posts

Tuesday, July 8, 2008

Pulutan # 3 Camaron Rebosado

Welcome to The Cooking ng Ina mo Show, ito na naman po ako ang nagmamagandang feeling CHET este Chef pala na nais magbahagi sa mga Usisero at Usisera na napapadpad dito sa aking bahay ang bahay ni Lola mikaela (ina na lola pa).
Ok Lets get it on (fave line ni PAcman)
-Bumili ng Hipon (katamtamang laki)tanggalin ang shell, iwanan ang buntot. hiwain sa likod (kunti lang) para matanggal ang bituka at linisin.
-Mag handa ng Harina, itlog at Bread crumbs sa bawat plato,kung walang bread crumbs pwede na rin ang harina, pero kung gusto mo ng alternatibo sa bread crumbs pwede na rin ang egg nog at pasencia biscuit durugin lang para maging bread crumbs.
- timplahan ang itlog na binati ng kunting asin at pamintang durog ,batihin.
- kumuha ng hipon i dip sa itlog tapos sa harina tapos sa itlog uli at huli ang bread crumbs para ka lang nag lalaro ng sungka. (paalala pag hindi ka bumilik sa itlog di magiging maganda ang coating ng hipon, wag mag short cut)
- gawin sa lahat ng hipon bago i deep fry para hindi tanranteycious pag nagluluto na.
-at dahil standard tayo pagkaluto ilagay sa plato na may absorbent paper para matanggal ang mantika.
- masarap na sawsawan toyo na may kalamansi, ketsup o ketsup na may mayonnaise depende sa trip mo.
- Masarap ulamin at masarap ding gawing pulutan ilayo lang sa swapang na kainuman
MOTTO FOR THE DAY: Walang Iwanan sa Katakawan
ito ang inyong Cooking ng Ina mo Show signing off....................................

Wednesday, July 2, 2008

Pulutan # 2 - Sizzling Corn and Carrots


Ito nanaman po tayo sa isang kapanapanabik na Pulutan ang sizzling corn and carrots (pasensya na picture na walang ka art art). Sa sobrang hirap ng buhay ngayon eh naisip namin ni Mister na bawasan na muna ang paglalakwatsa at tumambay muna sa bahay at mag tipid tipid. Pero, Datapwat, ngunit, subalik pwede pa rin naman mag happy happy sa bahay na makatitipid ka davah! Heto ang pulutan namin ngayon ang sizzling corn and carrots with matching Cali Shandy, Cali Ice para sakin at ang bago sa aming panlasa ang Infinit (P23.50)ready to drink cocktail na gawa ng San Miguel maraming pagpipilian flavor nariyan ang tropical pineapple, grapes, langka, sampalok,guava at kamias (joke) masarap naman at may kunting tama din dahil may halo syang Rum kaya pede na ring pampatulog. Sa mga trip gumawa ng sizzling corn and carrots eto ang mga kailangan 1can whole corn, butter,1 carrot, cheddar cheese, evap milk. Hiwain ang carrots katulad ng nasa larawan, palambutin gamit ang kunting tubig pwede rin naman hindi na palambutin kung gusto mo ng matigas na carrots hehe. Buksan ang 1can whole corn gamit ang ngipin idrain. Painitin ang sizzling plate (kung walang sizzling plate pwede na rin ang kawali) pagmainit na patayin ang apoy ilagay ang butter sunod ang corn, sunod ang carrots mix mix ng kunti lagyan ng kunting evap milk kunti lang wag ma excite hindi yan champorado ok. pwede rin naman hindi lagyan its your choice men. tapos pag na mix na lagyan na ng cheese sa ibabaw Yun na yun
Easy na mura pa. hanggang sa muli paalam!!!

Sunday, June 22, 2008

Pulutan # 1 - Baked Scallops

Baked Scallops plus cold beer ngayon tag-ulan yan ang trip namin ngayon ni hubby. Yes! oo! korek! lasingan na to! matira matibay!. Pagtapos magwala ni FRANK na dalawang araw dumaan dito sa Negros Occidental eh kami naman ang magwawala. Ito ang aming pulutan Baked Scallops na mainit init pa, want to try it? here's how! (1) bumili ng scallops (naman) 10 to 15 pcs nasa 60 pesos depende sa laki (2) tomato sauce (small pack) (3) sibuyas at bawang (tadtarin na parang wala ng bukas) (4) butter (5) at ang secret ing asin at paminta(ngek). Hugasan lang ang scallops sa tumatakbong tubig(running water), igisa ang bawang at sibuyas sa butter sa mahinang apoy ilagay ang tomato sauce. timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng saktong sarsa ang bawat scallops at lagyan ng quickmelt sa ibabaw at i baked na sa oven. Ola may baked scallops ka na. INUMAN na inuman na wala ng patumpik tumpik pa INUMAN NA!!! tagay mo pa brod! (kala mo lasinggero sa kanto)

Friday, June 20, 2008

Doughnuts again

Yahooo!!! pasalubong nanaman from hubby my favorite doughnut again and 2 boxes pa ha! ha! ha! yari nanaman ang diet ko nito. di bale once a month lang naman ako madalan ni hubby ng doughnut. Sayang at wala ang mga makukulit kong kapatid para mabahagian nito. Kami lang ni hubby titira nito. Actually kulang pa nga yung pasalubong nya eh (demanding ang lola) nakalimutan nya yung pinabibili kong bread sa breadtalk miss ko na rin kasi yun, pero ok na rin kasi 2 boxes naman ito eh masaya na rin ako atleast may pasalubong uyyyy.
Pasensya na mga friends at puro pagkain ang nakikita nyo dito sa blog ko papalitan ko na nga to ng title na "Kainan NA" (joke lang). Sarap kasing kumain ngayon tagulan, may bagyo pa dito ngayon sa Bacolod kaya lalong mas masarap kumain.

Thursday, June 19, 2008

Tag-ulan na


Tag-ulan na at anong masarap gawin sa tag-ulan maliban sa pagpapadami ng??? butete na nagiging lamok (kala mo kung ano nho). Syempre ang kumain, at isa sa paborito kong kainin tuwing tagulan eh ang Meatballs Congee na masarap kapartner ng Tofu at Siopao saraaaaaap!!! Malamang tambay nanaman ako sa Chowking nito sa dami ng choices na pagpipiliin (noodles and Lomi gusto ko rin).
Masarap din kumain ng tuyo na may sawsawang suka na may bawang at kunting paminta with sinangag o garlic rice (potaahh!!naglalaway na ko) o kaya itlog maalat at kamatis habang nagkakamay.

Ano ba mikaela may nagdidiet ba na puro pagkain ang iniisip tsk!tsk!tsk!
Ahh Basta masarap kumain sa tag ulan, Ikaw anong paborito mong pagkain sa tuwing tagulan?

Instant Soup

Dahil may estudyante na akong dapat asikasuhin (si hubby nag mamasteral) maaga ako nagigising para mag prepare ng almusal (naks ulirang asawa). At ito ang isa sa kanyang mga sang katutak na paboritong ka partner sa almusal ang cream of mushroom soup at toasted bread. Mahilig kasi si hubby ko sa soup kaya pagnauubusan na ko ng recipe may nakaresirba na kong Knorr Soup (esp. crab and corn and cream of mushroom) para walang angal. Easy na affordable pa. 1 small pack of knorr Cream of mushroom good for 2 persons 11.50 lang, lagyan lang ng kunting butter and 1 egg, topped with krotons ola may instant soup ka na. Sabayan mo lang ng toasted bread or pandesal solve na almusal na.

Wednesday, June 18, 2008

Sweets again/Caesar Salad

Tumakas ako kanina habang nagbabayad ng Smart Bills (smartbro and phonebill) di ko makapagpigil at pilit nanggigigil na hindi bumili ng Choco mousse cake at Mocca Frost sa Calea (famous pastries and coffee house here in bacolod) at nag takeout habang si hubby ay walang kamalay malay na may ginagawa na kong milagro at pag nakita nya to malamang basag ang fes ko, grounded ako sa games, di ko makakalabas ng bahay, puputulin ang line ko at higit sa lahat walang tV (ano ko bata) wala naman ganon!. Masarap yatang kumain habang nag bla-blog davah!. Syempre sasabihin ko last na to hindi na ko kakain. Tama naman yun last na to for this month ha! ha! pwede na rin. (tigas talaga ng ulo)

Speaking of Pagkain kagabi nag Caesar Salad kami ni Hubby, homemade salad na affordable. Dahil nga pareho na kaming nag didiet sa isip sa salita at wala sa gawa kailangan mag veggies na lang kami sa gabi or bread kaya ginaya namin ang Caesar Salad ng Pizza hut. heto

Kulang lang kami ng krotons and parsley wala kasing mabilin sa supermarket. Super affordable lang ito kayang kaya ng bulsa natin mga suki. Ang mga kailangan lang ay:

(1) Lettuce - Piliin ang Iced Lettuce, medyo mapaiit kasi ang romane lettuce mas masarap at crunchy ang iced lettuce. Prize 30 to 40 pesos depende sa bigat good for two na etech.
(2) Caesar Dressing - Lady's choice caesar dressing carry na sa lasa, Prize 76.75 pesos only
(3) Parmesan Cheese -Kraft Parmesan Cheese, Prize 72 pesos
(4) Bacon - bumili ng tinge pede na yun meron naman sa supermarket na tinge. 40pesos marami na yun
(5) parsley and krotons na mabibili sa supermarket wala nga lang akong nabili dito pero mas masarap kung meron.

Hugasan lang ang lettuce sa running water tapos cut na ayon sa laki na gusto mo, haluin lang kasama ng salad dressing, topped with bacon, parmesan, krotons and parsley. Ola may instant Salad ka na. Syempre the best kung medyo chilled ang lettuce.

O diba wala pang 200 may instant salad ka na affordable na healthy pa . Go try nyo rin

Tuesday, June 17, 2008

To drink or not to drink



Katanungang namumutawi sa aking isipan "to drink or not to drink cold drinks"?. Dahil nga ako ay nagpapapayat sa isip sa salita at wala sa gawa marahil dapat ko ng iwasan ang mga ganitong klaseng inumin (waaaaaaaaaaahhhhh di ko kayang iwan ka,hindi ko kayang iwan ka pagkat dito sa puso ko talagang favorite kita ).
Ito na ang panahon ng pagbabago. Ipokus ang atensyon sa pagbabawas ng bhilbhil.
Sabi ni Hubby daliri ko lang daw ang pumapayat dahil sa kapipindot ng controller ng PS2 tama ba naman yun.
Truly Madly Deeply trululu na ito ibalik ang naglahong alindog!
Goodbye Super Shake , Goodbye Frappuccino coffee drink, Goodbye Black forest shake, Goodbye Goodbye!
Hello TaeBoo Boxing and Hello Hiphop Abs.
****************************************
KONSENSYA PASOKKK!!!
Ako ang iyong Konsensya siguraduhin mo lamang na iyong gagampanan ang iyong mga binitiwang salita. Sa aking obserbasyon eh lolokuhin mo lamang ang yung sarili dahil wala kang disiplina. Naalala ko sabi mo mag after six ka...anak ng pitong kuba pagdating ng after six natataranta ka ng kumain parang wala ng bukas. Sabi mo araw araw kang mag seatups eh puro ka lang seat walang ups. Sabi mo di kana bibili ng donut eh ano yung nakita ni mister sa lagayan ng pinggan na dalawang pirasong donut. kapag hindi ka pa tumigil sa kahibangan mo lalayasan kita, ummmh mahirap yatang walang konsensya.
*****************************************
Isa kang sinungaling hindi totoo yan... Sisiguraduhin ko sayo papayat ako papayat akoooooo!!! taga mo sa dibdib ni Batista papayat ako
Gagamit ako ng charantia, fitrum (looking wow feeling Wow) Arthro, amapalaya plus, memory gold lamang ang may good memory, Heartbit (para matibay na ang puso ko), liveraide, circulan (nasa dugo lang yan) and many more...
Goodluck!

Monday, June 16, 2008

Famous Pastel




Camiguin's Famous Pasalubong. PASTEL- a bread with "yema" filling
Pasalubong from my Asawa last thursday from Camiguin to Cagayan de oro to Manila to Bacolod to ME! request ko talaga to everytime may Meeting si Asawa ko sa Manila nagpapabili sya sa friend namin na si sir Tony (thank you bawi ako ng butterscotch).
Nabighani ang aking katakawan ng dumampi sa aking mala angelina jolie labi ang precious tinapay na ito noong isang taon ng pumunta si Hubby sa Camiguin at nag dala ng 3 boxes ng Pastel. Kaya hinahanap hanap ng aking panlasa.
Gusto ko rin ma explore ang kagandahan ng Camiguin at mapuntahan ang sikat na Underwater Cemetery (Sunken Cemetery) na nakikita ko lang sa mga pelikula tulad ng QUIJA. Buti pa tong Kabiyak ko eh nakapag explore na sa Camiguin at Cagayan. Next time ako naman

Tuesday, May 13, 2008

Sizzling Gambas ala Michelle

Dahil may pasalubong ako galing kay IGO naisipan kong magluto ng masarap na pagkain at ito ay ang Shrimp Gambas, paborito nya kasi ang seafoods kahit medyo mahal ngayon ang seafoods dahil sa bagyo eh carry lang para sa minamahal. ito ay aking inimbento at ibinase sa lasa ng Gambas ng Balsa sa Niyugan restaurant (floating restaurant sa malabon city) dahil sa malayo kami eh na miss ko rin ang mga masasarap na pagkain doon lalo na ang pork sisig.

Kung kayo ay mahilig sa shrimp at trip nyo rin tong lutuin here's how (naks) to join type A1 for monotone, A2 for wallpaper and send it to 168divi (etchos) . Ang mga kailangan > bawang at sibuyas,> pula at berdeng sili,> carrots for life,>1 small can whole button mushroom na nabibili sa mga suking tindahan at supermarket,> 1 pack 25pcs na squid balls hatiin sa depende sa sukat na gusto mo, >1 small can young corn na hindi ko nabili dahil sa memory lost at wala akong listahan,>1/2 kilo ng hipon yung may kalakihan ng kunti tanggalin ang shell at hiwain sa likod,kunting hiwa lang para bumuka at para matanggal ang bituk
a,> tomato sauce and butter,>kunting soy sauce,>egg,>quail egg kung gustong idagdag
Ngayon tayo ng magluto. Gisa bawang at sibuyas sa kunting oil (corn oil mas mabuti) lagay hipon pag medyo orange na yung hipon lagay na tomato sauce at kunting soy sauce at kunting tubig pag kulo lagay na lahat (sili,mushroom,young corn,squid balls and carrots) haluin. Pag kulo timplahan ng salt,pepper at sugar (nutrasweet or equal mas mainam). Pag ok na sa iyong panlasa tayo ng mag sizzling. Initin ang sizzling plate, pag mainit na mainit na patayin ang stove. Lagyan ng Butter depende sayo kung gano karami mas marami mas masarap lagay egg beaten at ilagay na yung lutong Gambas sa ibabaw ng itlog ma aamoy mo na ang masarap na sizzling gambas.

thhhaaadaaaannnnn!!! my very own Sizzling Gambas

Saturday, May 10, 2008

Saan ka Nag Aalmusal?


My new Favorite Almuchow PORK CHAR SIU
Yes this is my new fave breakfast at Chowking, its a tender pork fillets, marinated in a thick sweetish hoi sin flavored sauce with a charred and caramelized surface. Served with gaarlic rice and egg over easy on the side and best eaten when dipped in spicy vinegar yum yum.
Saan ka Nag aalmusal??? Saan pa eh di sa Chowking lang kung saan maraming pagpipilian, masarap at affordable. At meron pang mga bagong pagpipiliin ang Pork Char siu na aking paborito ang Ham ang Mushroom Omelet at Corned Beef Omelet masarap kasabay ng Hot Nai Cha at Coffee. Pag dito ko nag aalmusal kumpleto na ang araw ko. Ano pa hinihintay mo try mo na sa pinakamalapit na Chowking sa inyo.

Sunday, May 4, 2008

Yummy Doughnuts

Yeppiii!!!yahoo!!Yeheey!!! Pasalubong from my hub 6pcs krispy kreme world famous melts in your mouth original glazed ummmmhhh, and 6 pcs of Gonuts Donuts pastillas de leche yum! yum!. I Miss this truly, absolutely, fantastic mega to the highest level na donut. (ganito ata tama pag nakatira ng Donut tumataas ang sugar level he!he!). di talaga no stir na miss ko talaga to, wala pa kasi dito sa Bacolod nyan eh pero and latest malapit ng mag ka starbucks ditey. Miss ko rin yung Belgian Waffle with Vanilla top nila and Mocha Frap. Sana mag karoon din ng Krispy kreme and Gonuts Donuts dito wish ko lang ate Vicky! Thanks a lot babe kahit may kasalanan ako di mo pa rin ako natiis at may pasalubong parin ako aaaaaahhhhh!!!! love yah!

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008