Friday, July 25, 2008
Thursday, July 24, 2008
Career kung Career ang labanan
kaya ngayon goodbye softdrinks hello healthy drinks buti nalang at 25 pesos nalang ang yogurt nakatipid pa ko ng 7 pesos hehe. at si hubby delmonte high fiber naman ang trip me fit and right and yakult everyday para everyday OK. No rice sa gabi, after sex este after six ang kain para magaan ang pakiramdam pag gising sa umaga. Xenical twice a day lang hindi ako nag 3x a day dahil di na nga kumakain sa gabi,career na etey GO GO GO!
Posted by @chellie@ at 1:08 PM 1 comments
Labels: kapraningan
Tuesday, July 8, 2008
KULITAN
Ito ang mga ilan sa mga kulitan scene namin ni mister
Scene 1: sa kwarto bago matulog Topic: Koreanovela
Ako: ang cute talaga ng coffee prince no?
Mister: ka cheapan mo talaga pati ko nahahawa.
Ako: ano favorite mo sa mga napanood natin?
Mister ummm Fullhouse
Ako: ahh ako din pero meteor garden pa rin ako, parang gusto ko maging koreana
Mister ummm (inaantok na)
Ako: Ano kaya korean o chinese name ko?
Mister alam ko na
Ako: ANO? ( excited mode)
Mister Bou tan ding (ngiting pangasar)
Ako ha! as in BUTANDING di ba balyena yun?
Mister oo (halakhak)
Ako (siraulo to ha aba teka makapagisip nga ng panlaban) (ting)
Ako ikaw din meron eh
Mister talaga, nakaisip agad ng punchline. Ano?
Ako Chow Yun FAT bwaaahahahaha
Mister ah ganon ha sige wala kang cake bukas goodnight.
Scene 2: Manila Doctor's hospital bago ko maoperahan(appendectomy). Topic: Burger and fries
Mister ok ka lang? masakit pa tyan mo?(lambing mode)
Ako nagugutom ako eh (2 days na walang kain)
Mister di ka pa pwede kumain sabi ng doctor
Ako tsk! bwiset. pwede ba mag request
Mister Ano?
Ako kung bibili ka ng pagkain mo pwede wag burger and fries kasi maaamoyko eh please
Mister okei
Ako thanks. sige bili ka na ng food mo, balik ka agad ha.
(after 15 minutes)
Mister dito na ko
Ako ano binili mo? eeehh ayoko ko makita baka magutom ako eh
Mister sige amuyin mo na lang.
Ako Putek sabi ko wag kang bibili ng fries at burger eh waaaaaaaaahhhh(maluha-luha)
Mister ok lang yan, ito tignan mo ko kung pano ko kainin ha (unti unting kinagat ang burger with feelings)
Ako (nakatunganga, naglalaway,nagmamakaawa)
Mister ito pa oh ( inamoy ang fries, sinawsaw sa gravy, kinagat (crunch) pumipikit,pikit pa ang potaahhhhh nginuya unti unti.)
Ako (huminga ng malalim)alam mo ngayon ko lang napatunay na mahal na mahal mo talaga ko, sana pinitik mo na lang ako sa lungs para tapos na ang paghihirap kong ito. yari ka sakin pag galing ko di kita pagluluto.
Mister (tawa mode)
Ito ang nagpapatibay ng aming samahan ang kulitan, samahang walang katulad, magkaramay sa trip at sa lahat ng bagay. Parang suka't toyo sakto sa timpla. My apple of my eye, mango of my pie, palaman of my tinapay, keso of my monay, teeth of my suklay, fingers on my kamay, blood in my atay, bubbles of my laway, sala of my bahay, seeds of my palay, clothes in my ukay- ukay, calcium in my kalansay, calamansi on my siomai, tungkod when I'm pilay,wings when I fly. In short KEN LEE TULIBU DIBU DOUCHOO (can't leave if leaving is without you). lab yah babe!
Posted by @chellie@ at 12:40 PM 24 comments
Labels: kapraningan
Friday, July 4, 2008
Game Mode
Posted by @chellie@ at 11:57 AM 2 comments
Labels: Games, kapraningan
Tuesday, June 17, 2008
To drink or not to drink
Katanungang namumutawi sa aking isipan "to drink or not to drink cold drinks"?. Dahil nga ako ay nagpapapayat sa isip sa salita at wala sa gawa marahil dapat ko ng iwasan ang mga ganitong klaseng inumin (waaaaaaaaaaahhhhh di ko kayang iwan ka,hindi ko kayang iwan ka pagkat dito sa puso ko talagang favorite kita ).
Posted by @chellie@ at 1:17 PM 1 comments
Labels: foods, kapraningan
Monday, June 16, 2008
GASOLINA

Posted by @chellie@ at 10:59 AM 1 comments
Labels: kapraningan, Tamang senti
Monday, June 9, 2008
Emoterang Ate
.jpg)
At syempre ang aking everdearest papa and mama, sino ba kamukha ko he he. Miss na miss ko na rin sila. Ang sabay sabay namin pagkain ng hapunan. Ang sabay sabay namin pag sisimba tuwing sunday. Last april pa kami nagkita kita at pinagluto ko sila ng burger steak at Carbonara bago ko umalis.
Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya lalo na ngayon lang din naman ako nalayo sa kanila. Pero wala naman akong bahid ng pagsisi dahil proud naman ako na maayos ang pagsasama namin ni hubby at napakarami namin natututunan sa bawat araw na nagdaan (naks, ayos)
See you soon!!! miss you all!!! love you!!!
Posted by @chellie@ at 9:48 PM 2 comments
Labels: Chikahan, kapraningan, Love ones
Friday, March 7, 2008
FHM model "daw"
How I Wish ganito kaganda BooDDyyy ko nho!!! Kaya lang hanggang wish mo na ko sa ngayon malay natin ating alamin, why not coconut dumating ang araw na magkaron ng magazine for chubby ha!ha!ha! yaaakkkss pano kaya mag papantasya mga kalalakihan nun??? ummmh! never mind. Si hubby pa naman sangkatutak ang FHM magazine from 2004 up to know complete ang collection nya minsan nga pinagtatangkaan ko ng sunogin kasi puro sexy na lang naka hambalang dun baka manganib ang kaligayahan ko at maghanap ng Sexy. Pero sabi nya sexy naman daw ako sa ibang paraan (anong paraan kaya yun???) Kaya nung nakita ko tong site na ETO go at crop na agad wala ng patumpik-tumpik pa. kahit man lang pekeng katawan eh nailagay ko Face ko sa FHM davah!
Posted by @chellie@ at 12:05 AM 0 comments
Labels: Feeling, kapraningan, kikay
Sunday, February 24, 2008
Late Gifts
Helleer!!!! Sensya na 48 years bago nasundan yung last post ko dami nangyari eh 1.)nagloloko connection ng smartbro dito sa area kaya nakakatamad mag internet 2.) nag kasakit si hubby kasi naulanan kami nung concert kaya nagka trangkaso 3.)postpone date namin nung Vday kasi nga may sakit (huh huh) 4.) Convention ni Hubby sa Bangkok (iwan ako). Ngayon kararating nya lang at mega bawi sa aking nagdaang kalungkutan ito...Tambakan ba naman ako ng paborito kong chocolate take note me lang ang uubos nyan dahil kami lang naman dalawa dito sa house kamusta naman ang bonggang bongga kong diet sayang ang xenical at hiphop abs sa sangkatirbang chocolate 4boxes 30pcs each box san ka pa diabetes layuan mo ako.
sabi ko pa naman mag eemote ako pagdating kasi sobrang nakakapraning magisa no. Magagalit pa ba ko kung ito sasalubong sakin syempre hindi na kiber sa kalungkutan ha ha ha infairness gusto ko yung scent ng perfume feeling ko girl na girl ako. he he he! Atleast nakahabol ang gifts sa Vday kesa wala.thanks babe luv yah!!!
Posted by @chellie@ at 2:59 PM 0 comments
Labels: kapraningan, kikay, updates
Saturday, February 9, 2008
Coffee Prince Addict
Posted by @chellie@ at 3:41 PM 5 comments
Labels: coffee prince, hobbies, kapraningan
Thursday, February 7, 2008
My Prayers

Posted by @chellie@ at 8:44 PM 1 comments
Labels: baby, kapraningan, Tamang senti
Friday, January 4, 2008
My Ultimate New Year's Resolution
Diet , lose Weight, Burn Fats ano pa bang ibang term, ilang libong beses ko na yatang sinabi to ha, pero this time truelulu na talaga to, this is it ( etchos ) ito na ang sukdulan ng katabaan ko, what i need ??? ummmhh!!! (1) tape measure (2) Weighing Scale na matibay (3) kankunis and Biguerlai herbal tea (kamusta naman yun) (4) sang katirbang Xenical (5) at Sang Katutak na Exercise Videos: Bump n Burn all Volumes, Hiphop Abs all Volumes, Basic Workout 1 n 2, Taeboo, Aero Dancing, Pilates etc etc (6) alaxan Fr and Mefenamic ......Wish me luck. bwa!ha!ha!
Posted by @chellie@ at 4:52 PM 0 comments
Labels: kapraningan
Tuesday, December 4, 2007
Waaahhhh Anong petsa na!!!!
Posted by @chellie@ at 5:21 AM 0 comments
Labels: kapraningan
Monday, December 3, 2007
3 Araw na kalungkutan
Posted by @chellie@ at 9:32 PM 0 comments
Labels: kapraningan