Gasolina pataas pataas ng patas, gasolina hindi na bumaba bumaba ng bumaba, Let's get Awwwww . Walang tigil walang pagod sa manong kakapalit ng presyo sa may board ang potahhhh! kakainis, kakasulasok, kakapraning, nakakatorete sobra na! tama na! tigilan mo na Manong (isisi ba kay manong?) pipitikin ko lungs mo pag di mo pa tinantanan yan pag babantay mo sa presyo pataas ng pataas. Ano ba ang magagawa ng isang simpleng mamayan sa krisis na to. Hanggang kailan ba aabot ang presyo ng isang litrong Gasolina 60? 70? 100?. ano ang susunod na mangyayari? ano ang susunod na tataas?. Ang ZTE Scandal na untiunting nawala sa sirkulasyon at ang kaawa-awang Testigo na naubusan na nag buhok sa kahahanap ng katarungan. Ang Krisis sa bigas na nagawan na "daw" ng paraan ay napalitan ng Meralco vs GSIS agawan at sisisihan. ang pamumudmud ni madam ng 500p pambayad ng kuryente ng mga dukha natin kababayan na nakatulong nga ba? hay mga katanungan mahirap hanapan ng kasagutan kung ang kasagutan ay tinatago sa kasingit-singit ng singit at pilit isisingit. Ano gagawin ko lulunukin nanamnamin ang bawat araw na lilipas na wala akong ginagawa. Ano pa hinihintay ko? ako'y susugod na sa pinakamalapit na chowking para kumain(singit talaga ) nagugutom na ko eh. mabubuset lang ako at mapapraning kung dadamdamin ko tong lahat baka paguwi ng kabiyak ko si sisa na madatnan nya. Kainan na!!!
1 comments:
Anonymous
said...
hehe.. gutom lang yan.. Ganyan talaga ang buhay, nakakapraning at ang bilis ng takbo..
ikaw ba'y nalulungkot at walang karamay??? kailangan mo ba ng baliw na makakausap??? i click lang ang button na nasa ibaba tiyak may makakausap ka ng praning.
Ako'y isang Simpleng tao na may simpleng pangarap, Kinacareer na maging mabuting asawa. A lovable and Caring wife ang drama, Selosa to the highest level, Spoiled kay hubby,super lambing to the max.makulit, Cowboy, friendly, maalalahanin sa pamilya, mabawbaw ang luha pero matapang, madaling lumambot ang puso. mahilig mag sing along, addik sa ps2games. sweet na ate. Frustrated Chef. sabi ni hubby may short term memory lost, tirador ng choco mousse cake, pork sisig,pizza and many more.outrageously clumpsy, accident prone, takot sa ipis, Yun na yun!
>Pagbubuyangyang ng pangaraw-araw na kaganapan sa buhay ko. >Pamamahagi ng kaalaman na hindi pa alam ng mga di nakakaalam (labo nun ha!). >Paglalabas ng Saloobin, Opinyon, kuro-kuro, kapraningan, karanasan, kaabnormalan, kakikayan at kakulitan. >Maka lipon ng mga bagong kaibigan na mapagkukuhanan ng bagong impormasyon at ideya saan man sulok ng mundo.
1 comments:
hehe.. gutom lang yan..
Ganyan talaga ang buhay,
nakakapraning at ang bilis ng takbo..
Post a Comment