Showing posts with label recipes. Show all posts
Showing posts with label recipes. Show all posts

Tuesday, July 8, 2008

Pulutan # 3 Camaron Rebosado

Welcome to The Cooking ng Ina mo Show, ito na naman po ako ang nagmamagandang feeling CHET este Chef pala na nais magbahagi sa mga Usisero at Usisera na napapadpad dito sa aking bahay ang bahay ni Lola mikaela (ina na lola pa).
Ok Lets get it on (fave line ni PAcman)
-Bumili ng Hipon (katamtamang laki)tanggalin ang shell, iwanan ang buntot. hiwain sa likod (kunti lang) para matanggal ang bituka at linisin.
-Mag handa ng Harina, itlog at Bread crumbs sa bawat plato,kung walang bread crumbs pwede na rin ang harina, pero kung gusto mo ng alternatibo sa bread crumbs pwede na rin ang egg nog at pasencia biscuit durugin lang para maging bread crumbs.
- timplahan ang itlog na binati ng kunting asin at pamintang durog ,batihin.
- kumuha ng hipon i dip sa itlog tapos sa harina tapos sa itlog uli at huli ang bread crumbs para ka lang nag lalaro ng sungka. (paalala pag hindi ka bumilik sa itlog di magiging maganda ang coating ng hipon, wag mag short cut)
- gawin sa lahat ng hipon bago i deep fry para hindi tanranteycious pag nagluluto na.
-at dahil standard tayo pagkaluto ilagay sa plato na may absorbent paper para matanggal ang mantika.
- masarap na sawsawan toyo na may kalamansi, ketsup o ketsup na may mayonnaise depende sa trip mo.
- Masarap ulamin at masarap ding gawing pulutan ilayo lang sa swapang na kainuman
MOTTO FOR THE DAY: Walang Iwanan sa Katakawan
ito ang inyong Cooking ng Ina mo Show signing off....................................

Sunday, June 22, 2008

Pulutan # 1 - Baked Scallops

Baked Scallops plus cold beer ngayon tag-ulan yan ang trip namin ngayon ni hubby. Yes! oo! korek! lasingan na to! matira matibay!. Pagtapos magwala ni FRANK na dalawang araw dumaan dito sa Negros Occidental eh kami naman ang magwawala. Ito ang aming pulutan Baked Scallops na mainit init pa, want to try it? here's how! (1) bumili ng scallops (naman) 10 to 15 pcs nasa 60 pesos depende sa laki (2) tomato sauce (small pack) (3) sibuyas at bawang (tadtarin na parang wala ng bukas) (4) butter (5) at ang secret ing asin at paminta(ngek). Hugasan lang ang scallops sa tumatakbong tubig(running water), igisa ang bawang at sibuyas sa butter sa mahinang apoy ilagay ang tomato sauce. timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng saktong sarsa ang bawat scallops at lagyan ng quickmelt sa ibabaw at i baked na sa oven. Ola may baked scallops ka na. INUMAN na inuman na wala ng patumpik tumpik pa INUMAN NA!!! tagay mo pa brod! (kala mo lasinggero sa kanto)

Thursday, June 19, 2008

Instant Soup

Dahil may estudyante na akong dapat asikasuhin (si hubby nag mamasteral) maaga ako nagigising para mag prepare ng almusal (naks ulirang asawa). At ito ang isa sa kanyang mga sang katutak na paboritong ka partner sa almusal ang cream of mushroom soup at toasted bread. Mahilig kasi si hubby ko sa soup kaya pagnauubusan na ko ng recipe may nakaresirba na kong Knorr Soup (esp. crab and corn and cream of mushroom) para walang angal. Easy na affordable pa. 1 small pack of knorr Cream of mushroom good for 2 persons 11.50 lang, lagyan lang ng kunting butter and 1 egg, topped with krotons ola may instant soup ka na. Sabayan mo lang ng toasted bread or pandesal solve na almusal na.

Tuesday, May 13, 2008

Sizzling Gambas ala Michelle

Dahil may pasalubong ako galing kay IGO naisipan kong magluto ng masarap na pagkain at ito ay ang Shrimp Gambas, paborito nya kasi ang seafoods kahit medyo mahal ngayon ang seafoods dahil sa bagyo eh carry lang para sa minamahal. ito ay aking inimbento at ibinase sa lasa ng Gambas ng Balsa sa Niyugan restaurant (floating restaurant sa malabon city) dahil sa malayo kami eh na miss ko rin ang mga masasarap na pagkain doon lalo na ang pork sisig.

Kung kayo ay mahilig sa shrimp at trip nyo rin tong lutuin here's how (naks) to join type A1 for monotone, A2 for wallpaper and send it to 168divi (etchos) . Ang mga kailangan > bawang at sibuyas,> pula at berdeng sili,> carrots for life,>1 small can whole button mushroom na nabibili sa mga suking tindahan at supermarket,> 1 pack 25pcs na squid balls hatiin sa depende sa sukat na gusto mo, >1 small can young corn na hindi ko nabili dahil sa memory lost at wala akong listahan,>1/2 kilo ng hipon yung may kalakihan ng kunti tanggalin ang shell at hiwain sa likod,kunting hiwa lang para bumuka at para matanggal ang bituk
a,> tomato sauce and butter,>kunting soy sauce,>egg,>quail egg kung gustong idagdag
Ngayon tayo ng magluto. Gisa bawang at sibuyas sa kunting oil (corn oil mas mabuti) lagay hipon pag medyo orange na yung hipon lagay na tomato sauce at kunting soy sauce at kunting tubig pag kulo lagay na lahat (sili,mushroom,young corn,squid balls and carrots) haluin. Pag kulo timplahan ng salt,pepper at sugar (nutrasweet or equal mas mainam). Pag ok na sa iyong panlasa tayo ng mag sizzling. Initin ang sizzling plate, pag mainit na mainit na patayin ang stove. Lagyan ng Butter depende sayo kung gano karami mas marami mas masarap lagay egg beaten at ilagay na yung lutong Gambas sa ibabaw ng itlog ma aamoy mo na ang masarap na sizzling gambas.

thhhaaadaaaannnnn!!! my very own Sizzling Gambas

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008