Showing posts with label updates. Show all posts
Showing posts with label updates. Show all posts

Saturday, October 25, 2008

Masskara Festival Updates

Hayy!!! natapos rin ang nakakapagod, nakaka enjoy nakakataranteycious na Festival na ito. Sa dami ng event eh malilito at maloloka ka kung san mo gustong mag stay as in...no stir! PROMISE. ito proof..



Masskara Queen 2008 Coronation night with special participation of Senator Chiz Escudero and Angelica Dela Cruz. And First Ever Electric Masskara Parade



Finalist of Mask Of the World Exhibit @ Event Center SM Bacolod


At ang hindi ko kinaya sa lahat ay.....tatatatannnnn!!!!


Si MARC NELSON WAAAAAAAAAAHHHH!!!! pakalat kalat sa SM department store ayan tuloy wala siyang choice kundi mag pa picture sakin at ask me kung pwede nya daw akong maging ka partner sa AMAZING RACE...akalain mo yun....churay ng lola mo naapakan nya pa nga yung hair ko sa sobrang haba at gusto ko ng punitin ang polo nyang hapit na hapit upang mabuyangyang ang kinaiingitan ng mga kalalakihan at kinasasabikan ng mga kababaihan ang kanyang ABSssss ( perfect ha ha ha ha). take note my friend super bango nya makalaglag ayyyy!!! Delicious talaga abs pa lang ulam na hahaha.

hanggang sa muli PAALAM!!!

Monday, August 11, 2008

Updates

SUPER WIFE - Senxa na at ngayon lang nagparamdam, busy sa nagdaan na bertdey ni miser at ako ang nagiisang kusinera ako at ako lang naman ang nagluto ng lahat ng food para sa handaan ni mister noong nakaraang biyernes...nagsimula akong magluto ng 9am at natapos ng 6pm saktong sakto sa plano may panahon pa para maligo at ang mister na pasaway ayon at inubos ang lakas sa gym pagdating sa bahay tulala sige hayaan na at birthday naman so wala talagang choice ako lang talaga. Nagluto ako ng Fettuccini, ham and cheese roll, kare kare with bagoong, gambas, camaron rebosado, baked scallops,sizzling pork sisig at Crema de fruta. Nakakawala naman ng pagod dahil sold out naman lahat at nakapag takeout pa ang ilan. At sa sobrang panic eh nakalimutan ko ng pichuran ang mga pinagpaguran ko para maibahagi sa blog kaya at naalala ko lang noong wala na. Kaya babawi ako sa bertdey ko at si mister naman ang papagurin ko BwaHAHAAHA!!!

NO PAIN NO GAIN
- yehheyy nakaka 3 weeks na ko sa gym infairview nalampasan ko na ang pananakit ng katawan, nalampasan ko na ang paghahalandusay ko sa sahig para bumangon, nalampasan ko ang pagkain ng kanin at midnight snack sa gabi SUCCESS . Unti unti ng nabubuhay ang mga muscles ko na natulog ng 48 years. Ang gaan gaan ng feeling kahit ilang pounds palang na natapyas sakin eh ang sarap na ng feeling ko lalo na kapag unti unti kong tinatanggal ang tummy belt at nakikita ko ang naghuhulas na pawis na nagmula sa abs ko (naks abs talaga!!!feeeling).


Sa sobrang excited namin ni mister at gusto talagang kareerin ang pagpapasexy eh bumili na rin kami ng sariling exercise mat, dumbell, jumping rope, sangkatutak na exercise video at bumili din ako ng dance pad para makatulong din kahit papano.

TAMBAY WIFEY NO MORE - kaya busy busyhan ako these past few weeks dahil sa sunod sunod na interview and exam na aking pinagdaanan at sa araw at gabing panalangin eh nagbunga naman at ngayon week ay magsisimula na ang misis na pasaway. Super excited ako dahil matagal din akong nawala sa sirkulasyon na pagiging career woman(asus) at ngayon eto na eto na eto na waaaaaaaaaaaahhhH!!!!!!.

SUPER EXPLAIN - super explain ako sa instructor ko noong isang araw at sabi ko eh puro cardio na lang muna ako kasi baka maubos ang 100 pursyentong lakas ko kapag tinuloy ko pa ang nakakalokang program nya...so sabi ko "sir ok lang cardio na lang ang gagawin ko everyday hindi ko na itutuloy ang program kapag may free time na lang ako with matching pagsusumamo na parang si puss in boots from shrek ang aking mga mata habang hinihintay ang kanyang kasagutan sabay lunok...sabi ni instructor na medyo natigilan at nahabag sa nagsusumamo kong mga mata (buntonghininga) ok no problem basta pag may free time ka gawin mo pa rin yung program. Yun naman pala eh madali naman palang kausap natakot ata sa laki ng katawan ko. So busy na ang misis na pasaway pero wag malumbay hindi ako mangiiwan at dadalawin ko pa rin kayo friends, romans, countrymen napakalaking tulong ang nagawa sa akin ng blog na ito lalo na sa mga blogger friends na nagpapasaya sakin at nagbibigay ng mga iba't ibang kaalaman at karunungan. Merci boucoup, Gracias, xie xie, arigatou, thank you, salamat...hanggang sa muli Ciao

Sunday, February 24, 2008

Late Gifts

Helleer!!!! Sensya na 48 years bago nasundan yung last post ko dami nangyari eh 1.)nagloloko connection ng smartbro dito sa area kaya nakakatamad mag internet 2.) nag kasakit si hubby kasi naulanan kami nung concert kaya nagka trangkaso 3.)postpone date namin nung Vday kasi nga may sakit (huh huh) 4.) Convention ni Hubby sa Bangkok (iwan ako). Ngayon kararating nya lang at mega bawi sa aking nagdaang kalungkutan ito...Tambakan ba naman ako ng paborito kong chocolate take note me lang ang uubos nyan dahil kami lang naman dalawa dito sa house kamusta naman ang bonggang bongga kong diet sayang ang xenical at hiphop abs sa sangkatirbang chocolate 4boxes 30pcs each box san ka pa diabetes layuan mo ako.
sabi ko pa naman mag eemote ako pagdating kasi sobrang nakakapraning magisa no. Magagalit pa ba ko kung ito sasalubong sakin syempre hindi na kiber sa kalungkutan ha ha ha infairness gusto ko yung scent ng perfume feeling ko girl na girl ako. he he he! Atleast nakahabol ang gifts sa Vday kesa wala.thanks babe luv yah!!!

Friday, January 4, 2008

Updates

Since umuwi kami sa manila di ko naka pag updates sira kasi yung PC sa bahay nag stuck up kasi walang gumagamit...so isipin ko muna lahat ng nangyari this past 2 weeks....

hubby's got his new E90 communicator

bought new headset and cam for laptop

>Igo cooked our favorite baked macaroni sa house namin in caloocan kaya lang sa sobrang excited di ko na nakunan ng picture kalimutan ko may blog pala ko at kaylangan ng maraming pictures he he he.
at the airport waiting for boarding inside the plane (PAL) going home

>Super bitin yung Vacation namin pagdating dito sa bacolod lungkot nanaman...waaaahhhhh!!!

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008