Showing posts with label pasalubong. Show all posts
Showing posts with label pasalubong. Show all posts

Friday, June 20, 2008

Doughnuts again

Yahooo!!! pasalubong nanaman from hubby my favorite doughnut again and 2 boxes pa ha! ha! ha! yari nanaman ang diet ko nito. di bale once a month lang naman ako madalan ni hubby ng doughnut. Sayang at wala ang mga makukulit kong kapatid para mabahagian nito. Kami lang ni hubby titira nito. Actually kulang pa nga yung pasalubong nya eh (demanding ang lola) nakalimutan nya yung pinabibili kong bread sa breadtalk miss ko na rin kasi yun, pero ok na rin kasi 2 boxes naman ito eh masaya na rin ako atleast may pasalubong uyyyy.
Pasensya na mga friends at puro pagkain ang nakikita nyo dito sa blog ko papalitan ko na nga to ng title na "Kainan NA" (joke lang). Sarap kasing kumain ngayon tagulan, may bagyo pa dito ngayon sa Bacolod kaya lalong mas masarap kumain.

Monday, June 16, 2008

Famous Pastel




Camiguin's Famous Pasalubong. PASTEL- a bread with "yema" filling
Pasalubong from my Asawa last thursday from Camiguin to Cagayan de oro to Manila to Bacolod to ME! request ko talaga to everytime may Meeting si Asawa ko sa Manila nagpapabili sya sa friend namin na si sir Tony (thank you bawi ako ng butterscotch).
Nabighani ang aking katakawan ng dumampi sa aking mala angelina jolie labi ang precious tinapay na ito noong isang taon ng pumunta si Hubby sa Camiguin at nag dala ng 3 boxes ng Pastel. Kaya hinahanap hanap ng aking panlasa.
Gusto ko rin ma explore ang kagandahan ng Camiguin at mapuntahan ang sikat na Underwater Cemetery (Sunken Cemetery) na nakikita ko lang sa mga pelikula tulad ng QUIJA. Buti pa tong Kabiyak ko eh nakapag explore na sa Camiguin at Cagayan. Next time ako naman

Tuesday, May 13, 2008

Pasalubong from Davao


Yes! dami ko pasalubong galing kay hubby ko from Davao City Philippines!!! Sayang di ako pwedeng sumama kasi business trip nila yun so iwan muna ang alindog ko dito sa bahay. Gusto ko pa naman ma explore ang kagandahan ng Davao City .Ayon sa ulat ng aking pinakamamahal na asawa marami daw Gimikan doon at malinis ang kapaligiran marami din eat all you can na kainan sa halagang abot kaya ng bulsa.


Davao International Airport

Sayang malayo kami sa Pamilya at hindi kami nakapagbigay ng pasalubong. Gustong gusto pa naman ng aking tanging Ina ang mga durian flavors na matatamis at ang mother in law ko gusto naman ng Suhang Davao. Pero syempre di ko naman mauubos yan lahat kaya namahagi din ako sa iba naming friends dito. Pero yung Davao tshirt para sakin talaga. thanks uli asawa ko.

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008