Showing posts with label Chikahan. Show all posts
Showing posts with label Chikahan. Show all posts

Monday, January 5, 2009

Pooh and Pokwang Live in Bacolod

Hi Im back after 48years...sorry po sa mga dumalaw na hindi ko na nabalikan medyo busy-busyhan ang drama and nagloko pa yung chattebox ko kaya hindi ko na nabasa yung ibang messages nyo. Anyway tapos na yan hindi ko na maibabalik ang nakaraan kaya tayo ng magchikahan

Last Saturday we watched Pooh and Pokwang here in Lasalle Bacolod at super sold out ang tickets kakaloka. THE CROWD
Medyo malabo yung mga pictures shungak kasi ko mag set ng cam kaya yan ang kinalabasan sa sobrang excited ko sa pagtawa di ko na na set


as usual naka singit na nanaman ang mala siopao kong fes

Actually mas natuwa ako kay POOH kesa kay Pokwang mas super nag enjoy kami sa kanya lumuwa na nga ang tonsil ko sa kakatawa. Sobrang na miss ko kasi yung mga ganyang show since napunta kami dito sa Bacolod hindi na kami nakakapanood sa mga comedy bar so buysong agad ng ticket at Go na sa Concert.

Wednesday, September 3, 2008

EARTH,WIND AND FIRE LIVE in BACOLOD

singing LET'S GROOVE TONIGHT
picture muna
singing REASON


We watched Earth,Wind and Fire last week (thanks gaye for the treat) with some friends here in Lasalle Bacolod. Earth, Wind & Fire is an African-American Funk band led by Maurice White that achieved worldwide success in the 1970s. The group was formed in Chicago, Illinois, in 1969. They are known for a number of hit single, including Reason, After the love has gone, september, Boogie Wonderland, Every Now and Then and Let's Groove tonight

It was a rainy evening but were still there to grab the chance to see how Earth Wind and Fire performed LIVE! The Band gave us a very satisfactory performance. BravO

Monday, August 11, 2008

Updates

SUPER WIFE - Senxa na at ngayon lang nagparamdam, busy sa nagdaan na bertdey ni miser at ako ang nagiisang kusinera ako at ako lang naman ang nagluto ng lahat ng food para sa handaan ni mister noong nakaraang biyernes...nagsimula akong magluto ng 9am at natapos ng 6pm saktong sakto sa plano may panahon pa para maligo at ang mister na pasaway ayon at inubos ang lakas sa gym pagdating sa bahay tulala sige hayaan na at birthday naman so wala talagang choice ako lang talaga. Nagluto ako ng Fettuccini, ham and cheese roll, kare kare with bagoong, gambas, camaron rebosado, baked scallops,sizzling pork sisig at Crema de fruta. Nakakawala naman ng pagod dahil sold out naman lahat at nakapag takeout pa ang ilan. At sa sobrang panic eh nakalimutan ko ng pichuran ang mga pinagpaguran ko para maibahagi sa blog kaya at naalala ko lang noong wala na. Kaya babawi ako sa bertdey ko at si mister naman ang papagurin ko BwaHAHAAHA!!!

NO PAIN NO GAIN
- yehheyy nakaka 3 weeks na ko sa gym infairview nalampasan ko na ang pananakit ng katawan, nalampasan ko na ang paghahalandusay ko sa sahig para bumangon, nalampasan ko ang pagkain ng kanin at midnight snack sa gabi SUCCESS . Unti unti ng nabubuhay ang mga muscles ko na natulog ng 48 years. Ang gaan gaan ng feeling kahit ilang pounds palang na natapyas sakin eh ang sarap na ng feeling ko lalo na kapag unti unti kong tinatanggal ang tummy belt at nakikita ko ang naghuhulas na pawis na nagmula sa abs ko (naks abs talaga!!!feeeling).


Sa sobrang excited namin ni mister at gusto talagang kareerin ang pagpapasexy eh bumili na rin kami ng sariling exercise mat, dumbell, jumping rope, sangkatutak na exercise video at bumili din ako ng dance pad para makatulong din kahit papano.

TAMBAY WIFEY NO MORE - kaya busy busyhan ako these past few weeks dahil sa sunod sunod na interview and exam na aking pinagdaanan at sa araw at gabing panalangin eh nagbunga naman at ngayon week ay magsisimula na ang misis na pasaway. Super excited ako dahil matagal din akong nawala sa sirkulasyon na pagiging career woman(asus) at ngayon eto na eto na eto na waaaaaaaaaaaahhhH!!!!!!.

SUPER EXPLAIN - super explain ako sa instructor ko noong isang araw at sabi ko eh puro cardio na lang muna ako kasi baka maubos ang 100 pursyentong lakas ko kapag tinuloy ko pa ang nakakalokang program nya...so sabi ko "sir ok lang cardio na lang ang gagawin ko everyday hindi ko na itutuloy ang program kapag may free time na lang ako with matching pagsusumamo na parang si puss in boots from shrek ang aking mga mata habang hinihintay ang kanyang kasagutan sabay lunok...sabi ni instructor na medyo natigilan at nahabag sa nagsusumamo kong mga mata (buntonghininga) ok no problem basta pag may free time ka gawin mo pa rin yung program. Yun naman pala eh madali naman palang kausap natakot ata sa laki ng katawan ko. So busy na ang misis na pasaway pero wag malumbay hindi ako mangiiwan at dadalawin ko pa rin kayo friends, romans, countrymen napakalaking tulong ang nagawa sa akin ng blog na ito lalo na sa mga blogger friends na nagpapasaya sakin at nagbibigay ng mga iba't ibang kaalaman at karunungan. Merci boucoup, Gracias, xie xie, arigatou, thank you, salamat...hanggang sa muli Ciao

Friday, August 1, 2008

Busy-busyhan

Pasensya na mga friendship at hindi ako nakakarampa sa mga bahay nyo busy-busyhan ang pasaway. Babawi ako promise and sasabihin ko rin sa inyo kung bakit busy ako this week aside sa pagpapasexy (asus!!!).

Di ako nag GYM ngayon di na ko makatayo sa sakit ng hita ko haaayyy!!! pain killer asan ka? Ang strikto kasi ng instructor kung ano ano ng pagpapacute ang ginawa ko di umobra di ko carry yung power abs lahat na ata ng santo natawag ko para lang matapos ayun di na ko makahakbang hahaha. Naubos ang powers ko sa cardio kala ko yun lang aba'y akalain mo meron pa pala nagmamaganda pa naman ako. KAKALOKA! hay ewan.

Anyway, highway wag po sana kayong magsawang dumalaw dito kahit na puro kagagahan ko lang ang nababasa nyo. ADIOS AMIGO

Tuesday, June 24, 2008

HALA!!!

Ganda ng gising ko today dahil maaga akong nakatulog kahapon sa pagod at lalong gumanda ng nag check ako ng blog. Si Lizz may message at Featured Blogger daw ako huwhhhattt!!! weee!!! di nga!!! click ko agad ang site nya at ng makita ko ay ako'y nagulat at talagang na shock coz nag ring ang aking phone (alarm lang pala). Wala kong kamalay malay na may ganito na palang kaganapan hindi ko nga alam kung pano nangyari yun ha ha ha first time ko to kaya masaya yehhhiii!!!. For your Info mga kapatid nakagawa ako ng Blog sa tulong na rin ni Lizz(thanks sis). Si Lizz ay kaibigan ko since HS days until now nag YM pa rin kami na inspire ako sa blog nya at gusto ko rin na pagnabiyayaan na kami ng bebe(baby) documented lahat.

Hindi ko hinahangad na mapabilang sa hanay na mahuhusay nating mga blogger ang tanging hangad ko lamang ay mapasaya ang aking sarili (selfish) at makalipon ng mga bagong kaibigan na makukuhanan din ng mga impormasyon at ideya. Kaya ang feature chuva chumenilin pamperrro na ito ay malaking bagay na para sakin na ilang months palang nag blo-blog.Mabuhay ako!! mabuhay tayong lahat! (aning)

Dahil first time ko nga ito eh mag papa BurJER ako BurJer!! BurJer BurJer at Picha! Picha! Picha! (pizza) Gusto mo???

Monday, June 9, 2008

Emoterang Ate

Moment ko ngayon para mag drama dramahan lalo na (Himig Natin Intro) ako'y nagiisa at walang kasama di ko makita ang aking pag asa (pause). Na prapraning talaga ko pag wala si hubby. Lalo kong na mimiss ang aking makukulit na kapatid at aking mga mapagmahal na magulang. hay matagal tagal pa ang aming muling pagkikita lalo na mahal ang ticket ngayon sa Eroplano at di ko carry mag Supperferry(mag ka ryme ha) dahil mahiluhin ako at sobrang haba ng byahe at kailangan muna namin magtipid tipid ni hubby dahil sa mahal na gasolina(buset).
Na mimiss ko ang mga kulitan namin magkakapatid ang taguan, halakhakan, puyatan sa panonood ng cartoons, foodtrip sa gabi, umaatikabong kilitian. Siksikan matulog dahil gusto namin magkakatabi lahat sa isang kwarto. Lahat yan sobrang na mimiss ko. Lalo na si epeng (8 yrs old)kulit di nauubusan ng tanong at katwiran malamang maging abocado este abogado to sa takdang panahon. Feeling ko nakuha nya sa akin ang sense of humor dahil sabi ni papita pareho kaming pilyo at makulit nung bata. Si Jovi (14) Rokistang Payatot na hilig mag skateboard at ka jamming ko sa gaming, malambing na kuya pero madaling mainis lalo na pag nangungulit si bunso. Nakuha nya ang talent namin ni shiela ( drawing) at sa akin naman ay ang hilig sa pagkanta at gitara. si Shiela (23) aking sister/bestfriend isang graphic artist sa isang kilalang company na nagdedesign ng toys at mga happy meal, kiddie meal etc etc... gustong mag abroad para tumaas ang market value at makaipon din. hikain nung bata, at sobrang inggit ako dahil sa malakas na metabolism nya kahit kumain ng bandihadong kanin eh hindi tumataba...(putcha) sana ako din. Namana nya ang pag ka addik ko sa beatles at mas magaling na sya mag gitara kesa sakin. Malambing din na kapatid. Antukin pag nanonood ng movie. Araw araw kaming nag chachat para makakuha ng update sa mga kaganapan sa aming pamilya.

At syempre ang aking everdearest papa and mama, sino ba kamukha ko he he. Miss na miss ko na rin sila. Ang sabay sabay namin pagkain ng hapunan. Ang sabay sabay namin pag sisimba tuwing sunday. Last april pa kami nagkita kita at pinagluto ko sila ng burger steak at Carbonara bago ko umalis.

Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya lalo na ngayon lang din naman ako nalayo sa kanila. Pero wala naman akong bahid ng pagsisi dahil proud naman ako na maayos ang pagsasama namin ni hubby at napakarami namin natututunan sa bawat araw na nagdaan (naks, ayos)

See you soon!!! miss you all!!! love you!!!

Tuesday, May 13, 2008

Sizzling Gambas ala Michelle

Dahil may pasalubong ako galing kay IGO naisipan kong magluto ng masarap na pagkain at ito ay ang Shrimp Gambas, paborito nya kasi ang seafoods kahit medyo mahal ngayon ang seafoods dahil sa bagyo eh carry lang para sa minamahal. ito ay aking inimbento at ibinase sa lasa ng Gambas ng Balsa sa Niyugan restaurant (floating restaurant sa malabon city) dahil sa malayo kami eh na miss ko rin ang mga masasarap na pagkain doon lalo na ang pork sisig.

Kung kayo ay mahilig sa shrimp at trip nyo rin tong lutuin here's how (naks) to join type A1 for monotone, A2 for wallpaper and send it to 168divi (etchos) . Ang mga kailangan > bawang at sibuyas,> pula at berdeng sili,> carrots for life,>1 small can whole button mushroom na nabibili sa mga suking tindahan at supermarket,> 1 pack 25pcs na squid balls hatiin sa depende sa sukat na gusto mo, >1 small can young corn na hindi ko nabili dahil sa memory lost at wala akong listahan,>1/2 kilo ng hipon yung may kalakihan ng kunti tanggalin ang shell at hiwain sa likod,kunting hiwa lang para bumuka at para matanggal ang bituk
a,> tomato sauce and butter,>kunting soy sauce,>egg,>quail egg kung gustong idagdag
Ngayon tayo ng magluto. Gisa bawang at sibuyas sa kunting oil (corn oil mas mabuti) lagay hipon pag medyo orange na yung hipon lagay na tomato sauce at kunting soy sauce at kunting tubig pag kulo lagay na lahat (sili,mushroom,young corn,squid balls and carrots) haluin. Pag kulo timplahan ng salt,pepper at sugar (nutrasweet or equal mas mainam). Pag ok na sa iyong panlasa tayo ng mag sizzling. Initin ang sizzling plate, pag mainit na mainit na patayin ang stove. Lagyan ng Butter depende sayo kung gano karami mas marami mas masarap lagay egg beaten at ilagay na yung lutong Gambas sa ibabaw ng itlog ma aamoy mo na ang masarap na sizzling gambas.

thhhaaadaaaannnnn!!! my very own Sizzling Gambas

Pasalubong from Davao


Yes! dami ko pasalubong galing kay hubby ko from Davao City Philippines!!! Sayang di ako pwedeng sumama kasi business trip nila yun so iwan muna ang alindog ko dito sa bahay. Gusto ko pa naman ma explore ang kagandahan ng Davao City .Ayon sa ulat ng aking pinakamamahal na asawa marami daw Gimikan doon at malinis ang kapaligiran marami din eat all you can na kainan sa halagang abot kaya ng bulsa.


Davao International Airport

Sayang malayo kami sa Pamilya at hindi kami nakapagbigay ng pasalubong. Gustong gusto pa naman ng aking tanging Ina ang mga durian flavors na matatamis at ang mother in law ko gusto naman ng Suhang Davao. Pero syempre di ko naman mauubos yan lahat kaya namahagi din ako sa iba naming friends dito. Pero yung Davao tshirt para sakin talaga. thanks uli asawa ko.

Saturday, May 10, 2008

Saan ka Nag Aalmusal?


My new Favorite Almuchow PORK CHAR SIU
Yes this is my new fave breakfast at Chowking, its a tender pork fillets, marinated in a thick sweetish hoi sin flavored sauce with a charred and caramelized surface. Served with gaarlic rice and egg over easy on the side and best eaten when dipped in spicy vinegar yum yum.
Saan ka Nag aalmusal??? Saan pa eh di sa Chowking lang kung saan maraming pagpipilian, masarap at affordable. At meron pang mga bagong pagpipiliin ang Pork Char siu na aking paborito ang Ham ang Mushroom Omelet at Corned Beef Omelet masarap kasabay ng Hot Nai Cha at Coffee. Pag dito ko nag aalmusal kumpleto na ang araw ko. Ano pa hinihintay mo try mo na sa pinakamalapit na Chowking sa inyo.

Wednesday, May 7, 2008

Isang araw ng Kabusugan


Kain!!! kain!!! at isa pang Kain... Kahapon habang ako'y nagmumuni muni sa mga bagay bagay sa ating lipunan ay biglang tumawag ang aking pinakamamahal na kabiyak para ako'y sunduin kasama ang dalawa naming kaibigan upang kumain sa labas. Ako'y mabilis na gumayak. Kumain kami sa APOLLO Restaurant isa sa mga paborito kong Kainan dito sa Bacolod. Kami'y nabigo dahil wala ang aking paboritong putahe ang lechong Macao pero kumain pa rin kami. Pagkatapos kumain sa Apollo kami ay lumipat sa CALEA upang mag kape at mag cake at doon itinuloy ang naputol na masarap na kwentuhan. Sa Paglipas ng mga oras na hindi namamalayan unti unting naramdaman ang pagka umay sa kinaing cake kaya napagdesisyunang kumain ng Pizza. Kami'y umalis sa Calea at nagtungo sa Golden Fields at nag hanap ng makakainan. Kami's napadpad sa Pizza's Restaurant at doon umorder ng 14inch (ano ba tagalog ng inch?tsk) na Pepperoni Pizza at isang pitsel na beer. at walang sawang nagkwetuhan. Hanggang? Aba'y Gabi na pala at kami'y nagpasyang umuwi na.

ako'y may isang katanungan lamang. "Bakit sa tuwing may natitirang isang pirasong pag kain sa hapag kainan ay kailangang magkahiyaan pa".

M' Shiela, Sir July at ang aking kabiyak (uyyyyyy)

Sunday, May 4, 2008

Yummy Doughnuts

Yeppiii!!!yahoo!!Yeheey!!! Pasalubong from my hub 6pcs krispy kreme world famous melts in your mouth original glazed ummmmhhh, and 6 pcs of Gonuts Donuts pastillas de leche yum! yum!. I Miss this truly, absolutely, fantastic mega to the highest level na donut. (ganito ata tama pag nakatira ng Donut tumataas ang sugar level he!he!). di talaga no stir na miss ko talaga to, wala pa kasi dito sa Bacolod nyan eh pero and latest malapit ng mag ka starbucks ditey. Miss ko rin yung Belgian Waffle with Vanilla top nila and Mocha Frap. Sana mag karoon din ng Krispy kreme and Gonuts Donuts dito wish ko lang ate Vicky! Thanks a lot babe kahit may kasalanan ako di mo pa rin ako natiis at may pasalubong parin ako aaaaaahhhhh!!!! love yah!

Monday, December 17, 2007

Fireworks

Last Dec 15 me and hubby go to watch the First Pyro Magic Fireworks Festival at Sm Bacolod, 6 teams to compete including Metro Manila, Dumaguete Bacolod etc etc,. Many Illongo's go to see the fireworks display coz this is the first Fireworks competition here in Bacolod and First December of SM Bacolod plus midnight sale at the mall. here take a peek at the fireworks Video

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008