Emoterang Ate
Moment ko ngayon para mag drama dramahan lalo na (Himig Natin Intro) ako'y nagiisa at walang kasama di ko makita ang aking pag asa (pause). Na prapraning talaga ko pag wala si hubby. Lalo kong na mimiss ang aking makukulit na kapatid at aking mga mapagmahal na magulang. hay matagal tagal pa ang aming muling pagkikita lalo na mahal ang ticket ngayon sa Eroplano at di ko carry mag Supperferry(mag ka ryme ha) dahil mahiluhin ako at sobrang haba ng byahe at kailangan muna namin magtipid tipid ni hubby dahil sa mahal na gasolina(buset).
Na mimiss ko ang mga kulitan namin magkakapatid ang taguan, halakhakan, puyatan sa panonood ng cartoons, foodtrip sa gabi, umaatikabong kilitian. Siksikan matulog dahil gusto namin magkakatabi lahat sa isang kwarto. Lahat yan sobrang na mimiss ko. Lalo na si epeng (8 yrs old)kulit di nauubusan ng tanong at katwiran malamang maging abocado este abogado to sa takdang panahon. Feeling ko nakuha nya sa akin ang sense of humor dahil sabi ni papita pareho kaming pilyo at makulit nung bata. Si Jovi (14) Rokistang Payatot na hilig mag skateboard at ka jamming ko sa gaming, malambing na kuya pero madaling mainis lalo na pag nangungulit si bunso. Nakuha nya ang talent namin ni shiela ( drawing) at sa akin naman ay ang hilig sa pagkanta at gitara. si Shiela (23) aking sister/bestfriend isang graphic artist sa isang kilalang company na nagdedesign ng toys at mga happy meal, kiddie meal etc etc... gustong mag abroad para tumaas ang market value at makaipon din. hikain nung bata, at sobrang inggit ako dahil sa malakas na metabolism nya kahit kumain ng bandihadong kanin eh hindi tumataba...(putcha) sana ako din. Namana nya ang pag ka addik ko sa beatles at mas magaling na sya mag gitara kesa sakin. Malambing din na kapatid. Antukin pag nanonood ng movie. Araw araw kaming nag chachat para makakuha ng update sa mga kaganapan sa aming pamilya.
At syempre ang aking everdearest papa and mama, sino ba kamukha ko he he. Miss na miss ko na rin sila. Ang sabay sabay namin pagkain ng hapunan. Ang sabay sabay namin pag sisimba tuwing sunday. Last april pa kami nagkita kita at pinagluto ko sila ng burger steak at Carbonara bago ko umalis.
Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya lalo na ngayon lang din naman ako nalayo sa kanila. Pero wala naman akong bahid ng pagsisi dahil proud naman ako na maayos ang pagsasama namin ni hubby at napakarami namin natututunan sa bawat araw na nagdaan (naks, ayos)
See you soon!!! miss you all!!! love you!!!
2 comments:
masayang pamilya.. sana makabuo din ako nyan balang araw.. :D
wow ang alien nag comment ha ha ha,,, thanks ferbert nagparamdam ka sakin. oo naman basta open communication lang magiging masaya ang pamilya he he...see yah..
Post a Comment