Pulutan # 1 - Baked Scallops
Baked Scallops plus cold beer ngayon tag-ulan yan ang trip namin ngayon ni hubby. Yes! oo! korek! lasingan na to! matira matibay!. Pagtapos magwala ni FRANK na dalawang araw dumaan dito sa Negros Occidental eh kami naman ang magwawala. Ito ang aming pulutan Baked Scallops na mainit init pa, want to try it? here's how! (1) bumili ng scallops (naman) 10 to 15 pcs nasa 60 pesos depende sa laki (2) tomato sauce (small pack) (3) sibuyas at bawang (tadtarin na parang wala ng bukas) (4) butter (5) at ang secret ing asin at paminta(ngek). Hugasan lang ang scallops sa tumatakbong tubig(running water), igisa ang bawang at sibuyas sa butter sa mahinang apoy ilagay ang tomato sauce. timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng saktong sarsa ang bawat scallops at lagyan ng quickmelt sa ibabaw at i baked na sa oven. Ola may baked scallops ka na. INUMAN na inuman na wala ng patumpik tumpik pa INUMAN NA!!! tagay mo pa brod! (kala mo lasinggero sa kanto)
10 comments:
sarap ng fudtrip na yan ate!
Sobrang sarap naman niyan!
Susubukan ko yan mamayang gabi.
hop hop!.. hmmm yummy scallops! hehehe ill try it if may time ako.. anyway thanks for visiting my site! hop k din dun hehehe muwaahahhh tecee!!ill add you sa links ko ,..
sige try nyo lang maraming pang pulutang darating tagay tagay lang he he he he, thanks
anong klaseng alak ang super sakto jan sa scallops?
@mel ice cold beer bro masarap na partner na yun carry na yun tipid tipid lang mahal ang bilihin at gasolina he he he
hello..hehe endi ko mapgilan wag magcomment..
endi ako nakain ng scallops, pero nakakagutom nmn tignan ung pecture at ung procedure..minsan nga matry pra saking butihing ama! XD excited ako endi kasi ako marunong magluto! >.<
@iyay ha ha! madali lang naman yan carry mo yan,thanks
yummy!!!
looks really good
Post a Comment