Sweets again/Caesar Salad
Tumakas ako kanina habang nagbabayad ng Smart Bills (smartbro and phonebill) di ko makapagpigil at pilit nanggigigil na hindi bumili ng Choco mousse cake at Mocca Frost sa Calea (famous pastries and coffee house here in bacolod) at nag takeout habang si hubby ay walang kamalay malay na may ginagawa na kong milagro at pag nakita nya to malamang basag ang fes ko, grounded ako sa games, di ko makakalabas ng bahay, puputulin ang line ko at higit sa lahat walang tV (ano ko bata) wala naman ganon!. Masarap yatang kumain habang nag bla-blog davah!. Syempre sasabihin ko last na to hindi na ko kakain. Tama naman yun last na to for this month ha! ha! pwede na rin. (tigas talaga ng ulo)
Speaking of Pagkain kagabi nag Caesar Salad kami ni Hubby, homemade salad na affordable. Dahil nga pareho na kaming nag didiet sa isip sa salita at wala sa gawa kailangan mag veggies na lang kami sa gabi or bread kaya ginaya namin ang Caesar Salad ng Pizza hut. heto
Kulang lang kami ng krotons and parsley wala kasing mabilin sa supermarket. Super affordable lang ito kayang kaya ng bulsa natin mga suki. Ang mga kailangan lang ay:
(1) Lettuce - Piliin ang Iced Lettuce, medyo mapaiit kasi ang romane lettuce mas masarap at crunchy ang iced lettuce. Prize 30 to 40 pesos depende sa bigat good for two na etech.
(2) Caesar Dressing - Lady's choice caesar dressing carry na sa lasa, Prize 76.75 pesos only
(3) Parmesan Cheese -Kraft Parmesan Cheese, Prize 72 pesos
(4) Bacon - bumili ng tinge pede na yun meron naman sa supermarket na tinge. 40pesos marami na yun
(5) parsley and krotons na mabibili sa supermarket wala nga lang akong nabili dito pero mas masarap kung meron.
Hugasan lang ang lettuce sa running water tapos cut na ayon sa laki na gusto mo, haluin lang kasama ng salad dressing, topped with bacon, parmesan, krotons and parsley. Ola may instant Salad ka na. Syempre the best kung medyo chilled ang lettuce.
O diba wala pang 200 may instant salad ka na affordable na healthy pa . Go try nyo rin
0 comments:
Post a Comment