Wednesday, May 7, 2008

Isang araw ng Kabusugan


Kain!!! kain!!! at isa pang Kain... Kahapon habang ako'y nagmumuni muni sa mga bagay bagay sa ating lipunan ay biglang tumawag ang aking pinakamamahal na kabiyak para ako'y sunduin kasama ang dalawa naming kaibigan upang kumain sa labas. Ako'y mabilis na gumayak. Kumain kami sa APOLLO Restaurant isa sa mga paborito kong Kainan dito sa Bacolod. Kami'y nabigo dahil wala ang aking paboritong putahe ang lechong Macao pero kumain pa rin kami. Pagkatapos kumain sa Apollo kami ay lumipat sa CALEA upang mag kape at mag cake at doon itinuloy ang naputol na masarap na kwentuhan. Sa Paglipas ng mga oras na hindi namamalayan unti unting naramdaman ang pagka umay sa kinaing cake kaya napagdesisyunang kumain ng Pizza. Kami'y umalis sa Calea at nagtungo sa Golden Fields at nag hanap ng makakainan. Kami's napadpad sa Pizza's Restaurant at doon umorder ng 14inch (ano ba tagalog ng inch?tsk) na Pepperoni Pizza at isang pitsel na beer. at walang sawang nagkwetuhan. Hanggang? Aba'y Gabi na pala at kami'y nagpasyang umuwi na.

ako'y may isang katanungan lamang. "Bakit sa tuwing may natitirang isang pirasong pag kain sa hapag kainan ay kailangang magkahiyaan pa".

M' Shiela, Sir July at ang aking kabiyak (uyyyyyy)

0 comments:

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008