Yes! dami ko pasalubong galing kay hubby ko from Davao City Philippines!!! Sayang di ako pwedeng sumama kasi business trip nila yun so iwan muna ang alindog ko dito sa bahay. Gusto ko pa naman ma explore ang kagandahan ng Davao City .Ayon sa ulat ng aking pinakamamahal na asawa marami daw Gimikan doon at malinis ang kapaligiran marami din eat all you can na kainan sa halagang abot kaya ng bulsa.
Davao International Airport
Sayang malayo kami sa Pamilya at hindi kami nakapagbigay ng pasalubong. Gustong gusto pa naman ng aking tanging Ina ang mga durian flavors na matatamis at ang mother in law ko gusto naman ng Suhang Davao. Pero syempre di ko naman mauubos yan lahat kaya namahagi din ako sa iba naming friends dito. Pero yung Davao tshirt para sakin talaga. thanks uli asawa ko.
ikaw ba'y nalulungkot at walang karamay??? kailangan mo ba ng baliw na makakausap??? i click lang ang button na nasa ibaba tiyak may makakausap ka ng praning.
Ako'y isang Simpleng tao na may simpleng pangarap, Kinacareer na maging mabuting asawa. A lovable and Caring wife ang drama, Selosa to the highest level, Spoiled kay hubby,super lambing to the max.makulit, Cowboy, friendly, maalalahanin sa pamilya, mabawbaw ang luha pero matapang, madaling lumambot ang puso. mahilig mag sing along, addik sa ps2games. sweet na ate. Frustrated Chef. sabi ni hubby may short term memory lost, tirador ng choco mousse cake, pork sisig,pizza and many more.outrageously clumpsy, accident prone, takot sa ipis, Yun na yun!
>Pagbubuyangyang ng pangaraw-araw na kaganapan sa buhay ko. >Pamamahagi ng kaalaman na hindi pa alam ng mga di nakakaalam (labo nun ha!). >Paglalabas ng Saloobin, Opinyon, kuro-kuro, kapraningan, karanasan, kaabnormalan, kakikayan at kakulitan. >Maka lipon ng mga bagong kaibigan na mapagkukuhanan ng bagong impormasyon at ideya saan man sulok ng mundo.
0 comments:
Post a Comment