Pulutan # 3 Camaron Rebosado
Welcome to The Cooking ng Ina mo Show, ito na naman po ako ang nagmamagandang feeling CHET este Chef pala na nais magbahagi sa mga Usisero at Usisera na napapadpad dito sa aking bahay ang bahay ni Lola mikaela (ina na lola pa).
Ok Lets get it on (fave line ni PAcman)
-Bumili ng Hipon (katamtamang laki)tanggalin ang shell, iwanan ang buntot. hiwain sa likod (kunti lang) para matanggal ang bituka at linisin.
-Mag handa ng Harina, itlog at Bread crumbs sa bawat plato,kung walang bread crumbs pwede na rin ang harina, pero kung gusto mo ng alternatibo sa bread crumbs pwede na rin ang egg nog at pasencia biscuit durugin lang para maging bread crumbs.
- timplahan ang itlog na binati ng kunting asin at pamintang durog ,batihin.
- kumuha ng hipon i dip sa itlog tapos sa harina tapos sa itlog uli at huli ang bread crumbs para ka lang nag lalaro ng sungka. (paalala pag hindi ka bumilik sa itlog di magiging maganda ang coating ng hipon, wag mag short cut)
- gawin sa lahat ng hipon bago i deep fry para hindi tanranteycious pag nagluluto na.
-at dahil standard tayo pagkaluto ilagay sa plato na may absorbent paper para matanggal ang mantika.
- masarap na sawsawan toyo na may kalamansi, ketsup o ketsup na may mayonnaise depende sa trip mo.
- Masarap ulamin at masarap ding gawing pulutan ilayo lang sa swapang na kainuman
MOTTO FOR THE DAY: Walang Iwanan sa Katakawan
ito ang inyong Cooking ng Ina mo Show signing off....................................
6 comments:
I'm sure, this will make a great pulutan fit for the rainy season. :)
my favorite! :)
naman napakasarap naman yan. pahinge. nagutom nanaman ako asos!
@ tentay - mag practise ka na mare.
Camaron and tempura are my favorites. Ang sarap!
wow nakakagutom naman ito! =)
Post a Comment