Wednesday, July 2, 2008

Pulutan # 2 - Sizzling Corn and Carrots


Ito nanaman po tayo sa isang kapanapanabik na Pulutan ang sizzling corn and carrots (pasensya na picture na walang ka art art). Sa sobrang hirap ng buhay ngayon eh naisip namin ni Mister na bawasan na muna ang paglalakwatsa at tumambay muna sa bahay at mag tipid tipid. Pero, Datapwat, ngunit, subalik pwede pa rin naman mag happy happy sa bahay na makatitipid ka davah! Heto ang pulutan namin ngayon ang sizzling corn and carrots with matching Cali Shandy, Cali Ice para sakin at ang bago sa aming panlasa ang Infinit (P23.50)ready to drink cocktail na gawa ng San Miguel maraming pagpipilian flavor nariyan ang tropical pineapple, grapes, langka, sampalok,guava at kamias (joke) masarap naman at may kunting tama din dahil may halo syang Rum kaya pede na ring pampatulog. Sa mga trip gumawa ng sizzling corn and carrots eto ang mga kailangan 1can whole corn, butter,1 carrot, cheddar cheese, evap milk. Hiwain ang carrots katulad ng nasa larawan, palambutin gamit ang kunting tubig pwede rin naman hindi na palambutin kung gusto mo ng matigas na carrots hehe. Buksan ang 1can whole corn gamit ang ngipin idrain. Painitin ang sizzling plate (kung walang sizzling plate pwede na rin ang kawali) pagmainit na patayin ang apoy ilagay ang butter sunod ang corn, sunod ang carrots mix mix ng kunti lagyan ng kunting evap milk kunti lang wag ma excite hindi yan champorado ok. pwede rin naman hindi lagyan its your choice men. tapos pag na mix na lagyan na ng cheese sa ibabaw Yun na yun
Easy na mura pa. hanggang sa muli paalam!!!

10 comments:

Mel said...

omg pulutan fudtrip nanaman! weeeeeeeee!

tas naglalaro ka ng silent hill noh? omg!

@chellie@ said...

@mel hahaha tapos ko na yun eh silent hill 2 and 4 (the room). meron ako 3 and silent hill origin pero di ko pa nilalaro. Fatal frame meron din 1,2,3 hindi ko pa kaya eh magisa lang ako sa house takot ako ngeeee!!!

Anonymous said...

domesticated wife! wahahaha. galing galing magluto, ako walang kaalam alam, tagakain lang. kawawa ang asawa ko. hehe

@chellie@ said...

@rok hahaha natuto lang din ako nung nag asawa na dati wala din akong pakialam taga kain lang din ako hehehe.

Anonymous said...

Mukhang masarap na pulutan yang sizzling corn and carrots at healthy pa.

@chellie@ said...

@autom korak mas mas masarap pag maraming cheese

TENTAY™ said...

Ayos,
"Cooking with Chellie" title neto
hahahah
the best instruction:
"Buksan ang 1can whole corn gamit ang ngipin idrain"

ma-try nga? lol

Chellie! may wanted ako sa blog, kapag nakita mo pakisabi sakin ha. hahah.

@chellie@ said...

@tentay sino yung wanted??? sige mamya check ko

hahaha pweeedeee!!! mapalitan nga. nasira kasi yung canopener kaya ngipin na lang LOL

arnie said...

wow! sarap!:D
penge...

The Dork One said...

weee sarap!!! nagutom ako

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008