Monday, January 28, 2008

Pagkain na naman

Bad trip ako today haay kakainis talaga, buti na lang bait ni hubby naisip nyang mag ice cream kaya try namin sa ICE ROCK wala kasi Ice berg dito sa bacolod so try namin dito pampalamig lang ng ulo. Order ni hubby Choco lovers dream(sweet)me Dare devil (ha ha ha) badtrip talaga eh. kaya yan order ko. nakatulong naman kahit papano lumamig ng kunti ang ulo ko at gumaan ang pakiramdam ko. nakalimutan ko nanaman na nagdidiet pala ko(ano ba!!!). Naalala ko yung mga panahon bago pa lang kami dito at naghahanap ng mga masasarap na makakainan. Infairness daming masasarap na kainan dito sa Bacolod.Kung Inaasal ang gusto namin meron dito Mang Inasal at ang sikat na Manukan Country . its a street lined with food stalls and resto with a sweet smell of grilled chicken.I think meron an rin Mang Inasal sa Manila. Kung gusto mo naman ng Cakes CALEA Cake is one of the Best here. kung trip naman namin ng pandesal and pasta BOBS naman kami pupunta dun ang masarap na clubhouse, palabok and macaroni salad. Pero ang favorite namin ni hubby dito ay ang IMAYS ang panalo sa sarap nilang Bicol express, sizzling scallops (yummy) at mixed veggies.
Pero syempre kung san kumakain ang masarap kumain CHOWKING, 6 stores dito sa bacolod. Panalo sa sarap daming choices and affordable san kapa order na (ha ha ha). My Favorite yang chow rice with pork siomai on the side, plain soup na may chilli sauce and asado sauce(try nyo masarap). Sa breakfast Danggit tapa and Longganisa Saaaraaap. nagugutom na tuloy ako. Kain muna ko hanggang sa muli paalam.

2 comments:

ruthie said...

naku naman! nakakagutom tong post mong toh! :)

I love ice cream too!!!! :) Sagabal sa diet! bwahahahah.. :)

Thanks for being a new friend! :)

@Michellie@ said...

he he, kalimot ko nga eh, sayang ang xenical at ang pag career ng hiphop abs.. thanks din

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008