Saturday, May 24, 2008
Thursday, May 22, 2008
Iam a C.P.A
Oo C.P.A. ako as in Certified Playstation Addick...addick...addick. eh ano naman ang mahalaga importante ay lumigaya sa pangaraw araw na pamumuhay. Kesa isipin ang mga Bagay bagay na nakapag papainit ng ulo ko. Tulad ng pagtaas ng mga kung ano pang itataas kahapon laman ang unleaded gas 51.90 makalipas ang ilang oras anak ng pitong kuba pinalitan na yung sign sabi ko sa kabiyak ko..."babe Putank mo na nga yan baka bukas 60 na yan haaayyy. Buti na lang sa mga games wala pakilamanan, score lang ang tumataas. dito ko ibinubuhos ang mga galit ko sa gobyerno. Imaginin mo nalang si GMA lagay natin sa SIMS o kaya sa Resident Evil gawin kong Nemesis. Pwede rin sa Shadow of Colossus sya yung Colussus. Tapos yung mga Tiwaling Opisyal gawin kong Zombie sa silent hill game o diba exciting dun man lang maka ganti ko.
Wish ko lang bumababa na prize ng PS3 para makabili na ko...pero madami pa rin akong pending na Games di ko pa nasisimulan so habang mataas pa PS3 pagsasawaan ko muna ang aking my precious ps2 next year pa naman yung inaabangan kong part 3 ng God of war so ok lang madelay muna. my Next Game Fatal Frame wish me luck...nggggeeee kakatakot sobrang lakas pa naman ng vibriator nakakagulat buti na lang may heartbit para matibay na ang puso ko he he he.
Posted by @chellie@ at 2:03 PM 2 comments
Labels: Games
Tuesday, May 13, 2008
Sizzling Gambas ala Michelle
Dahil may pasalubong ako galing kay IGO naisipan kong magluto ng masarap na pagkain at ito ay ang Shrimp Gambas, paborito nya kasi ang seafoods kahit medyo mahal ngayon ang seafoods dahil sa bagyo eh carry lang para sa minamahal. ito ay aking inimbento at ibinase sa lasa ng Gambas ng Balsa sa Niyugan restaurant (floating restaurant sa malabon city) dahil sa malayo kami eh na miss ko rin ang mga masasarap na pagkain doon lalo na ang pork sisig.
a,> tomato sauce and butter,>kunting soy sauce,>egg,>quail egg kung gustong idagdag
Ngayon tayo ng magluto. Gisa bawang at sibuyas sa kunting oil (corn oil mas mabuti) lagay hipon pag medyo orange na yung hipon lagay na tomato sauce at kunting soy sauce at kunting tubig pag kulo lagay na lahat (sili,mushroom,young corn,squid balls and carrots) haluin. Pag kulo timplahan ng salt,pepper at sugar (nutrasweet or equal mas mainam). Pag ok na sa iyong panlasa tayo ng mag sizzling. Initin ang sizzling plate, pag mainit na mainit na patayin ang stove. Lagyan ng Butter depende sayo kung gano karami mas marami mas masarap lagay egg beaten at ilagay na yung lutong Gambas sa ibabaw ng itlog ma aamoy mo na ang masarap na sizzling gambas.
Pasalubong from Davao
Davao International Airport
Sayang malayo kami sa Pamilya at hindi kami nakapagbigay ng pasalubong. Gustong gusto pa naman ng aking tanging Ina ang mga durian flavors na matatamis at ang mother in law ko gusto naman ng Suhang Davao. Pero syempre di ko naman mauubos yan lahat kaya namahagi din ako sa iba naming friends dito. Pero yung Davao tshirt para sakin talaga. thanks uli asawa ko.
Posted by @chellie@ at 11:33 AM 0 comments
Labels: Chikahan, pasalubong
Saturday, May 10, 2008
Saan ka Nag Aalmusal?
Posted by @chellie@ at 1:04 PM 0 comments
Wednesday, May 7, 2008
Isang araw ng Kabusugan
Kain!!! kain!!! at isa pang Kain... Kahapon habang ako'y nagmumuni muni sa mga bagay bagay sa ating lipunan ay biglang tumawag ang aking pinakamamahal na kabiyak para ako'y sunduin kasama ang dalawa naming kaibigan upang kumain sa labas. Ako'y mabilis na gumayak. Kumain kami sa APOLLO Restaurant isa sa mga paborito kong Kainan dito sa Bacolod. Kami'y nabigo dahil wala ang aking paboritong putahe ang lechong Macao pero kumain pa rin kami. Pagkatapos kumain sa Apollo kami ay lumipat sa CALEA upang mag kape at mag cake at doon itinuloy ang naputol na masarap na kwentuhan. Sa Paglipas ng mga oras na hindi namamalayan unti unting naramdaman ang pagka umay sa kinaing cake kaya napagdesisyunang kumain ng Pizza. Kami'y umalis sa Calea at nagtungo sa Golden Fields at nag hanap ng makakainan. Kami's napadpad sa Pizza's Restaurant at doon umorder ng 14inch (ano ba tagalog ng inch?tsk) na Pepperoni Pizza at isang pitsel na beer. at walang sawang nagkwetuhan. Hanggang? Aba'y Gabi na pala at kami'y nagpasyang umuwi na.
ako'y may isang katanungan lamang. "Bakit sa tuwing may natitirang isang pirasong pag kain sa hapag kainan ay kailangang magkahiyaan pa".
M' Shiela, Sir July at ang aking kabiyak (uyyyyyy)
Posted by @chellie@ at 3:14 PM 0 comments
One down, Nine to GO
Posted by @chellie@ at 2:33 PM 0 comments
Labels: Games
Sunday, May 4, 2008
Yummy Doughnuts
Posted by @chellie@ at 4:20 PM 0 comments