Tuesday, July 8, 2008

KULITAN

Ito ang mga ilan sa mga kulitan scene namin ni mister

Scene 1: sa kwarto bago matulog Topic: Koreanovela

Ako: ang cute talaga ng coffee prince no?
Mister: ka cheapan mo talaga pati ko nahahawa.
Ako: ano favorite mo sa mga napanood natin?
Mister ummm Fullhouse
Ako: ahh ako din pero meteor garden pa rin ako, parang gusto ko maging koreana
Mister ummm (inaantok na)
Ako: Ano kaya korean o chinese name ko?
Mister alam ko na
Ako: ANO? ( excited mode)
Mister Bou tan ding (ngiting pangasar)
Ako ha! as in BUTANDING di ba balyena yun?
Mister oo (halakhak)
Ako (siraulo to ha aba teka makapagisip nga ng panlaban) (ting)
Ako ikaw din meron eh
Mister talaga, nakaisip agad ng punchline. Ano?
Ako Chow Yun FAT bwaaahahahaha
Mister ah ganon ha sige wala kang cake bukas goodnight.

Scene 2: Manila Doctor's hospital bago ko maoperahan(appendectomy). Topic: Burger and fries

Mister ok ka lang? masakit pa tyan mo?(lambing mode)
Ako nagugutom ako eh (2 days na walang kain)
Mister di ka pa pwede kumain sabi ng doctor
Ako tsk! bwiset. pwede ba mag request
Mister Ano?
Ako kung bibili ka ng pagkain mo pwede wag burger and fries kasi maaamoyko eh please
Mister okei
Ako thanks. sige bili ka na ng food mo, balik ka agad ha.
(after 15 minutes)
Mister dito na ko
Ako ano binili mo? eeehh ayoko ko makita baka magutom ako eh
Mister sige amuyin mo na lang.
Ako Putek sabi ko wag kang bibili ng fries at burger eh waaaaaaaaahhhh(maluha-luha)
Mister ok lang yan, ito tignan mo ko kung pano ko kainin ha (unti unting kinagat ang burger with feelings)
Ako (nakatunganga, naglalaway,nagmamakaawa)
Mister ito pa oh ( inamoy ang fries, sinawsaw sa gravy, kinagat (crunch) pumipikit,pikit pa ang potaahhhhh nginuya unti unti.)
Ako (huminga ng malalim)alam mo ngayon ko lang napatunay na mahal na mahal mo talaga ko, sana pinitik mo na lang ako sa lungs para tapos na ang paghihirap kong ito. yari ka sakin pag galing ko di kita pagluluto.
Mister (tawa mode)

Ito ang nagpapatibay ng aming samahan ang kulitan, samahang walang katulad, magkaramay sa trip at sa lahat ng bagay. Parang suka't toyo sakto sa timpla. My apple of my eye, mango of my pie, palaman of my tinapay, keso of my monay, teeth of my suklay, fingers on my kamay, blood in my atay, bubbles of my laway, sala of my bahay, seeds of my palay, clothes in my ukay- ukay, calcium in my kalansay, calamansi on my siomai, tungkod when I'm pilay,wings when I fly. In short KEN LEE TULIBU DIBU DOUCHOO (can't leave if leaving is without you). lab yah babe!

24 comments:

> Vanny said...

full house forever ako! ^__^

jbernadine said...

ang saya naman ng lambingan ahahaha!^^

TENTAY™ said...

Grabe mare, ganyan gusto ko mapangasawa.. san mo ba sya natagpuan at tatambay din ako doon? ang swerte swerte mo naman..

pero ung fries, kung asawa ko yan, tinadtad ko na. hahahahahhahaha!

@chellie@ said...

@vanny - gusto ko rin yung fullhouse marathnon talaga kami ni hubby pag trip namin yung story. wala sya magawa kundi manood hehehe

@chellie@ said...

@jbernadine - oo nga ganyan talaga lambingan style namin minsan mas malala pa.

@tentay - mare dyan lang sa tabi tabi kain ka sa chowking baka makakita ka hahaha! diba sya ang swerte sakin??? nagkaasawa sya ng may topak hehehe!

kingdaddyrich said...

dun pa rin ako sa ghost fighter...

pero ang sweet ni mister ah. parang ako lang. he hehe

@chellie@ said...

@ king daddy gusto ko rin ghost fighter saka flame of recca...naalala ko dinudrawing ko pa sila eugene hehehe

TENTAY™ said...

ate bakit chowking? mahina nanaman utak kko nakooo! ate penge naman ng gudlak charm at dahil fren kta, oo sya ang swerte sayo!! hahahahahah pis ate! :)

@chellie@ said...

@mareng tentay kasi dun kami nagkakilala (sa Chowking) naakit sya sa malhupet kong alindog. wla naman akong gudluck charm just be your self lang. ako nga balahura pa pero nagustuhan nya pa rin kasi maligaya sya sa kagagahan ko hehehe.

enday said...

wahaha..

kainggit naman..ang chuwit nyo..
hehe..
saka ang kulit.
cute nyo sigurong tignan nu?..
hehe..

rok said...

antamis nyo nman! haha

Abou said...

katuwa naman kau

he he

@chellie@ said...

@enday para kaming teddy bear hehehe marami pang mas malala jan hehehe

@rok nilanggam kaba?

@abou trip trip lang yan hehehe

thanks po sa mga nagcomment!

TENTAY™ said...

Mare, homaygulay!! teka sa chowking nalang din ako matutulog baka nandon ang dream boy ko!! salamat sa payo ateh! haylabyu! hahahahahhaha

@chellie@ said...

@tentay hahaha boss ko yan eh inakit ko binubuksan ko yung isang botones sa bandang dibdib ng blouse ko para malula sya HAHAHAHAHA joke lang
bilis mo naman ma inlove sakin...sige na nga sasagutin na kita labyu 2 o yan mag GF na tayo hehehe

@chellie@ said...

SA LAHAT po ng nag comment thanks, busybusyhan lang po muna ang drama ko in time papaalam ko rin po sa inyo pag sure na oki doki

Pedro said...

mas sweet ako diyan. ahahaha. biro lang. :D

TENTAY™ said...

Mare naloka ko sayo hahahahahhahahah grabe panalo ka ateh!!! simpleng seductive lang eh no!! windang talga sige bubuksan ko lagi butones ko wahahahhaha!!

Jamo said...

hhhhhhmmm, bakit di nyo subukang magkwentuhan ng katatakutan bago matulog para mahigpit ang inyong yakapan sa gabi? mwehehehehe. nice one!

ciao

leviuqse said...

i like jamo's suggestion! hehe

@chellie@ said...

@jamo yaw ko ng ganon eh matatakutin ako hehehe pero magandang trip din yun.

@leviuqse thanks sa comment, cute ng icon mo si doreamon hehehe

@tentay mare joke lang yun hehehe

iyay said...

ang cute nyu nmn magasawa! hahaha kulet eh

more happiness and blessings to come!!!

Paulette said...

wow ang cute cute nyo naman talaga! ang sweet naman ni hubby mo.. sana ako din when i get married ganyang drama din.. iba kasi kami extremes ang drama namin bihira lang ang mushy stuff..

i super like yung coffee prince.. ang cute cute! pero yah the best pa rin meteor garden :D

yeine said...

halala nklimutan ko hehe meteor garden 1 pa rin tlga hehe pero princess hours ngustuhan ko din. have you watch a moment to remember?not sure of the title pero korean ata haha try to watch this movie chellie :)

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008