Monday, August 11, 2008

Updates

SUPER WIFE - Senxa na at ngayon lang nagparamdam, busy sa nagdaan na bertdey ni miser at ako ang nagiisang kusinera ako at ako lang naman ang nagluto ng lahat ng food para sa handaan ni mister noong nakaraang biyernes...nagsimula akong magluto ng 9am at natapos ng 6pm saktong sakto sa plano may panahon pa para maligo at ang mister na pasaway ayon at inubos ang lakas sa gym pagdating sa bahay tulala sige hayaan na at birthday naman so wala talagang choice ako lang talaga. Nagluto ako ng Fettuccini, ham and cheese roll, kare kare with bagoong, gambas, camaron rebosado, baked scallops,sizzling pork sisig at Crema de fruta. Nakakawala naman ng pagod dahil sold out naman lahat at nakapag takeout pa ang ilan. At sa sobrang panic eh nakalimutan ko ng pichuran ang mga pinagpaguran ko para maibahagi sa blog kaya at naalala ko lang noong wala na. Kaya babawi ako sa bertdey ko at si mister naman ang papagurin ko BwaHAHAAHA!!!

NO PAIN NO GAIN
- yehheyy nakaka 3 weeks na ko sa gym infairview nalampasan ko na ang pananakit ng katawan, nalampasan ko na ang paghahalandusay ko sa sahig para bumangon, nalampasan ko ang pagkain ng kanin at midnight snack sa gabi SUCCESS . Unti unti ng nabubuhay ang mga muscles ko na natulog ng 48 years. Ang gaan gaan ng feeling kahit ilang pounds palang na natapyas sakin eh ang sarap na ng feeling ko lalo na kapag unti unti kong tinatanggal ang tummy belt at nakikita ko ang naghuhulas na pawis na nagmula sa abs ko (naks abs talaga!!!feeeling).


Sa sobrang excited namin ni mister at gusto talagang kareerin ang pagpapasexy eh bumili na rin kami ng sariling exercise mat, dumbell, jumping rope, sangkatutak na exercise video at bumili din ako ng dance pad para makatulong din kahit papano.

TAMBAY WIFEY NO MORE - kaya busy busyhan ako these past few weeks dahil sa sunod sunod na interview and exam na aking pinagdaanan at sa araw at gabing panalangin eh nagbunga naman at ngayon week ay magsisimula na ang misis na pasaway. Super excited ako dahil matagal din akong nawala sa sirkulasyon na pagiging career woman(asus) at ngayon eto na eto na eto na waaaaaaaaaaaahhhH!!!!!!.

SUPER EXPLAIN - super explain ako sa instructor ko noong isang araw at sabi ko eh puro cardio na lang muna ako kasi baka maubos ang 100 pursyentong lakas ko kapag tinuloy ko pa ang nakakalokang program nya...so sabi ko "sir ok lang cardio na lang ang gagawin ko everyday hindi ko na itutuloy ang program kapag may free time na lang ako with matching pagsusumamo na parang si puss in boots from shrek ang aking mga mata habang hinihintay ang kanyang kasagutan sabay lunok...sabi ni instructor na medyo natigilan at nahabag sa nagsusumamo kong mga mata (buntonghininga) ok no problem basta pag may free time ka gawin mo pa rin yung program. Yun naman pala eh madali naman palang kausap natakot ata sa laki ng katawan ko. So busy na ang misis na pasaway pero wag malumbay hindi ako mangiiwan at dadalawin ko pa rin kayo friends, romans, countrymen napakalaking tulong ang nagawa sa akin ng blog na ito lalo na sa mga blogger friends na nagpapasaya sakin at nagbibigay ng mga iba't ibang kaalaman at karunungan. Merci boucoup, Gracias, xie xie, arigatou, thank you, salamat...hanggang sa muli Ciao

4 comments:

TENTAY™ said...

waw mare is datchu? nakayanan mo ang malupit na mundo ng pagym? wow sexy mode na ito!! at magcacareer woman ka na? panalo!! hahahahah im so happy for you mare!! =)

RONeiluke, RN said...

wow! i'm happy you're losing weight na...at blossoming na din ang yong career...hays...looks like evrything is in place for you...you should be very very happy! weeeee!!!

nagutom ako sa binanggit mong food...buti walang pics! haha

TENTAY™ said...

mare, paalaam muna saglit. mamimiss kita.. ingat always...

rok said...

wahaha. ako din knakarir ang pageexercise.

mukang lulubog lilitaw ka ngaun sa blogosphere ah. hehe. career woman na e. mamimis ko post ko. hihi

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008