Friday, July 25, 2008

Bengay Plss!!!

President's Gym here in Bacolod City

Another day in the gym at ito ako parang nauupos na kandila, parang pinaddle ng 100 times, parang umakyat sa bundok ng tralala, parang nakipag sparing kay pacman, parang ginahasa sa sakit ng muscle ko aruy..a At ang Program para sakin simple lang naman 1 solid meal a day kamusta naman yun??? at ito pa 4days of cardio exercise and 2 days of weight lifting aruy!!! at ang dapat kong tanggalin na pounds naku hindi kayo magugulat 50 pounds lang naman sisiw diba. Yan ang na gain ko kakalaro ng lintek na playstation na yun. Ngayon kailangan kong disiplinahin ang aking sarili sa mga pagkain naka gawian goodluck na lang.

Kagabi nahirapan akong makatulog may kung anong tumutunog sa tyan ko parang nagwewelga sila at inunahan pa ang SONA ni gloria ang sabi nila...

Tyan ko: hoy babae pakainin mo kami, maraming nagugutom dito ano kaba? ang kapal ng fes mo pagkatapos mo kaming alagaan ng sobra bigla ka na lang mangiiwan sa ere...

ako: wag kayong maingay baka magising yung asawa ko mangaasar lang yun (tinabunan ng unan para di halata)

Tyan ko: Pakainin mo kami! pakainin mo kami! hindi ka namin tatantanan.

Ako: (kumukulo pa rin gusto ng pumunta sa ref para kumuha ng tsibog) mga letse kayo makisama kayo, kayo rin makikinabang dito uso na diabetes ngayon kaya dapat healthy na ang kinakain nyo mga *&@%+@ nyo patulugin nyo na ko plss!!!

di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari, di ko alam kung nahimatay ako sa gutom o kusang nakatulog. Ngayon wala munang luto-luto pahinga muna si kumareng kalan. Mahaba-habang trabahuhan to. Dont worry mga ka-blog-gang magbibigay ako ng update lagi kung may nangyayari ba sa pinaggagawa ko kung hindi na ko nakakadalaw sa inyo eh malamang nasa ospital na ko nun hehe, Sa ngayon kailangan ko muna ng Bengay mga 10 pwede na...

Thursday, July 24, 2008

Career kung Career ang labanan

Minsan naitanong ko sa napakalambing kong kabiyak...

ako: babe kelan kaya ko papayat?
Mister: pag wala ng CORRUPTION sa Pilipinas (mejo tumitirik pa ang mata)
ako: So ibig sabihin Hopeless na ko ganon ba yun
Mister: Naman!!!
ako: thanks for the support ang laking tulong para sa self esteem ko keep it up!

Kaya sabi ko sa sarili ko di ako padadaig kailangan ng seryosohin ang pagpapayat sa isip sa salita at sa GAWA at sa tulong ng aking mahal na kabiyak eh nagenroll kami sa GYM. Malambing naman dahil sinamahan naman nya ko mag enroll at ito ang bonding time namin ngayon ang mag GYM 2 days na kami ngayon awa ng diyos lahat na ata ng pain reliver eh ipinahid ko na sa kaso-kasoan ko na matagal ng na himlay sa pagkakatulog Graabeehh!!! grrr!!! 2 hours of Cardio kakaloka kala ko madadala na ko sa ER pero carry ko pa naman pala eh. At ang drama namin ni hubby eh 6am ng umaga gigising 5x a week daw ng masanay kamusta naman yun!!! Wish me luck atey!!!

kaya ngayon goodbye softdrinks hello healthy drinks buti nalang at 25 pesos nalang ang yogurt nakatipid pa ko ng 7 pesos hehe. at si hubby delmonte high fiber naman ang trip me fit and right and yakult everyday para everyday OK. No rice sa gabi, after sex este after six ang kain para magaan ang pakiramdam pag gising sa umaga. Xenical twice a day lang hindi ako nag 3x a day dahil di na nga kumakain sa gabi,career na etey GO GO GO!

Eheads Reunion Concert


Original Band Members Raimund Marasigan,Marcus Adoro, Ely Buendia and Buddy Zabala

Yes!!! Ely Buendia confirmed yesterday (he texted me close kami eh etchos!) that the reunion concert will be held this coming August 30,2008 at CCP open ground along roxas blvd. The Country's most influential band will be reunite for One night only and its free yahooo!!! as if naman makakapunta ko hehehe. tsk! tsk! sayang naman makikiaUSI na lang ako sa mga Blogista kong friends na pupunta at tiyak na ngangawa ako sa inggit.
I love them really. iam a big fan of EHEADS since grade school, the best funky and creative rock band for me. i also have the anthology album and even their christmas album(casette tape pa nun kaya mura pa di kain,ipon baon,bili album hehe) All in all Eheads left a truly legacy of Music davah!!!

Monday, July 21, 2008

Hottest Choreographer in the US (now)

The Wade Robson Project.
Tribute to Michael Jackson Video collection
Amazing Dancer!

Hottest Choreographer in the US (before)

Wade Robson in Star Search way back 1990, he's the famous choreographer of NSYNC and Britney. a fan of Michael Jackson.

Wednesday, July 16, 2008

Pictures of the Week

Ang Super Cutie kong pamangkin na laging nagpapasaya samin ni hubby. Naiinip na sya sa food kaya ng dumating na eh agad nilantakan.Sa unang picture pilit nyang nilabas yung dimple nya at ayon kay hubby eh pinindot nya muna ng matagal yung pisngi nya saka ngumiti hahaha cute talaga. Sayang lang at hindi ako nakasama kay hubby sa pagdalaw sa kanila sa cavite yesterday, dahil sa pagtaas ng CRUDE OIL SA WORLD MARKET! lam nyo na yun, Yun na Yun!

Very good point....Must Read

Be careful how you list names on your cell phone! Be Safe!This lady has changed her habit of how she lists her names on her mobile phone after her handbag was stolen. Her handbag which contained her mobile phone, Credit card, purse...etc.... was stolen.20 minutes later when she called her Hubby, from a pay phone telling him what had happened. Hubby says 'I've just received your sms text asking about our Pin number. I replied a little while ago.'They rushed down to the bank, the bank staff told them all the money was already withdrawn. The pickpocket had actually used the stolen handphone to text 'hubby' in the contact list and got hold of the pin number. Within 20 minutes he had withdrawn all the money from the bank account.The lesson:Do not disclose the relationship between you and the people in your contact list.Avoid using names like Home, Honey, Hubby, sweetheart, ......Dad, Mum etc.......And very importantly, when sensitive info is being asked thru texts,CONFIRM by calling back.Also, when you're being texted by friends or family to meet them somewhere, be sure to call back to confirm that the message came from them. If you don't reach them, be very careful about going places to meet 'family and friends' who text you.

Tuesday, July 8, 2008

KULITAN

Ito ang mga ilan sa mga kulitan scene namin ni mister

Scene 1: sa kwarto bago matulog Topic: Koreanovela

Ako: ang cute talaga ng coffee prince no?
Mister: ka cheapan mo talaga pati ko nahahawa.
Ako: ano favorite mo sa mga napanood natin?
Mister ummm Fullhouse
Ako: ahh ako din pero meteor garden pa rin ako, parang gusto ko maging koreana
Mister ummm (inaantok na)
Ako: Ano kaya korean o chinese name ko?
Mister alam ko na
Ako: ANO? ( excited mode)
Mister Bou tan ding (ngiting pangasar)
Ako ha! as in BUTANDING di ba balyena yun?
Mister oo (halakhak)
Ako (siraulo to ha aba teka makapagisip nga ng panlaban) (ting)
Ako ikaw din meron eh
Mister talaga, nakaisip agad ng punchline. Ano?
Ako Chow Yun FAT bwaaahahahaha
Mister ah ganon ha sige wala kang cake bukas goodnight.

Scene 2: Manila Doctor's hospital bago ko maoperahan(appendectomy). Topic: Burger and fries

Mister ok ka lang? masakit pa tyan mo?(lambing mode)
Ako nagugutom ako eh (2 days na walang kain)
Mister di ka pa pwede kumain sabi ng doctor
Ako tsk! bwiset. pwede ba mag request
Mister Ano?
Ako kung bibili ka ng pagkain mo pwede wag burger and fries kasi maaamoyko eh please
Mister okei
Ako thanks. sige bili ka na ng food mo, balik ka agad ha.
(after 15 minutes)
Mister dito na ko
Ako ano binili mo? eeehh ayoko ko makita baka magutom ako eh
Mister sige amuyin mo na lang.
Ako Putek sabi ko wag kang bibili ng fries at burger eh waaaaaaaaahhhh(maluha-luha)
Mister ok lang yan, ito tignan mo ko kung pano ko kainin ha (unti unting kinagat ang burger with feelings)
Ako (nakatunganga, naglalaway,nagmamakaawa)
Mister ito pa oh ( inamoy ang fries, sinawsaw sa gravy, kinagat (crunch) pumipikit,pikit pa ang potaahhhhh nginuya unti unti.)
Ako (huminga ng malalim)alam mo ngayon ko lang napatunay na mahal na mahal mo talaga ko, sana pinitik mo na lang ako sa lungs para tapos na ang paghihirap kong ito. yari ka sakin pag galing ko di kita pagluluto.
Mister (tawa mode)

Ito ang nagpapatibay ng aming samahan ang kulitan, samahang walang katulad, magkaramay sa trip at sa lahat ng bagay. Parang suka't toyo sakto sa timpla. My apple of my eye, mango of my pie, palaman of my tinapay, keso of my monay, teeth of my suklay, fingers on my kamay, blood in my atay, bubbles of my laway, sala of my bahay, seeds of my palay, clothes in my ukay- ukay, calcium in my kalansay, calamansi on my siomai, tungkod when I'm pilay,wings when I fly. In short KEN LEE TULIBU DIBU DOUCHOO (can't leave if leaving is without you). lab yah babe!

Pulutan # 3 Camaron Rebosado

Welcome to The Cooking ng Ina mo Show, ito na naman po ako ang nagmamagandang feeling CHET este Chef pala na nais magbahagi sa mga Usisero at Usisera na napapadpad dito sa aking bahay ang bahay ni Lola mikaela (ina na lola pa).
Ok Lets get it on (fave line ni PAcman)
-Bumili ng Hipon (katamtamang laki)tanggalin ang shell, iwanan ang buntot. hiwain sa likod (kunti lang) para matanggal ang bituka at linisin.
-Mag handa ng Harina, itlog at Bread crumbs sa bawat plato,kung walang bread crumbs pwede na rin ang harina, pero kung gusto mo ng alternatibo sa bread crumbs pwede na rin ang egg nog at pasencia biscuit durugin lang para maging bread crumbs.
- timplahan ang itlog na binati ng kunting asin at pamintang durog ,batihin.
- kumuha ng hipon i dip sa itlog tapos sa harina tapos sa itlog uli at huli ang bread crumbs para ka lang nag lalaro ng sungka. (paalala pag hindi ka bumilik sa itlog di magiging maganda ang coating ng hipon, wag mag short cut)
- gawin sa lahat ng hipon bago i deep fry para hindi tanranteycious pag nagluluto na.
-at dahil standard tayo pagkaluto ilagay sa plato na may absorbent paper para matanggal ang mantika.
- masarap na sawsawan toyo na may kalamansi, ketsup o ketsup na may mayonnaise depende sa trip mo.
- Masarap ulamin at masarap ding gawing pulutan ilayo lang sa swapang na kainuman
MOTTO FOR THE DAY: Walang Iwanan sa Katakawan
ito ang inyong Cooking ng Ina mo Show signing off....................................

Friday, July 4, 2008

Game Mode

Game mode muna ko mga kapatid, Magpapakadalubhasa muna ko sa pagiging isang Guitar Hero. Sabi ko nga sa Mister ko na mag mamasteral din ako sa paglalaro at uumpisahan ko na now na!!! sabi nya thesis or non thesis (may ganon pa oh!) sabi ko naman na buong pagmamalaki syempre thesis ibahin mo ko men malhupet ako. O sya sige I'll give you 1 week to prepare for your thesis then discuss it to me using powerpoint presentation in 1 hour (plangak!!) Sungit naman ng Prof ko tsee!!! Panigurado papayat (ang mga fingers) ko nito. Pasyal pasyal lang muna ako sa inyo mga kapatid. Hanggang sa muli paalam.

Wednesday, July 2, 2008

Pulutan # 2 - Sizzling Corn and Carrots


Ito nanaman po tayo sa isang kapanapanabik na Pulutan ang sizzling corn and carrots (pasensya na picture na walang ka art art). Sa sobrang hirap ng buhay ngayon eh naisip namin ni Mister na bawasan na muna ang paglalakwatsa at tumambay muna sa bahay at mag tipid tipid. Pero, Datapwat, ngunit, subalik pwede pa rin naman mag happy happy sa bahay na makatitipid ka davah! Heto ang pulutan namin ngayon ang sizzling corn and carrots with matching Cali Shandy, Cali Ice para sakin at ang bago sa aming panlasa ang Infinit (P23.50)ready to drink cocktail na gawa ng San Miguel maraming pagpipilian flavor nariyan ang tropical pineapple, grapes, langka, sampalok,guava at kamias (joke) masarap naman at may kunting tama din dahil may halo syang Rum kaya pede na ring pampatulog. Sa mga trip gumawa ng sizzling corn and carrots eto ang mga kailangan 1can whole corn, butter,1 carrot, cheddar cheese, evap milk. Hiwain ang carrots katulad ng nasa larawan, palambutin gamit ang kunting tubig pwede rin naman hindi na palambutin kung gusto mo ng matigas na carrots hehe. Buksan ang 1can whole corn gamit ang ngipin idrain. Painitin ang sizzling plate (kung walang sizzling plate pwede na rin ang kawali) pagmainit na patayin ang apoy ilagay ang butter sunod ang corn, sunod ang carrots mix mix ng kunti lagyan ng kunting evap milk kunti lang wag ma excite hindi yan champorado ok. pwede rin naman hindi lagyan its your choice men. tapos pag na mix na lagyan na ng cheese sa ibabaw Yun na yun
Easy na mura pa. hanggang sa muli paalam!!!

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008