Thursday, August 7, 2008
Saturday, August 2, 2008
Pictures of the Week
Meet my lil bro may pinagmanahan ba??? hehehe sobrang kulit pero super lambing naman sa amin.Miss na miss ko na yang piglet na yan bday nya last wednesday at dahil sa busybusyhan eh ngayon lang ako nakapag post. HAPPY BIRTHDAY EPENG MWAAAAAAAAAAHHH!!!
Posted by @chellie@ at 7:43 AM 8 comments
Labels: Love ones
Wednesday, July 16, 2008
Pictures of the Week
Posted by @chellie@ at 10:34 PM 13 comments
Labels: Love ones
Saturday, June 14, 2008
Happy Father's day
My Lovable papita, papsie, pop, papa. look alike ni Jimmy Santos(kaya lagi akong nanonood ng eat bulaga para makita ko si jimmy santos ha ha) very cool at responsible na tatay. Naalala ko pa nung mga panahon ako'y maliit pa tuwing matutulog kami gusto ko nakayakap ako sa kanya sa may bandang kilikili tapos aamoy-amoyin na para bang wala ng bukas he he he. Siya rin ang kakampi ko pag may gusto akong bilin at umaalma si madir di sya makatiis at sisimplehan nya na bigyan ako ng pera para mabili ko. Noong time na nagaaral ako sa Unibersidad ng Silangan sa Kalokohan este Kalookan isang gabi umuwi ako na madumi ang tshirt nakita ko sa mata nya ang pagalala sabi ko pop nasnatch yung kwintas ko eh umalma ko natadyakan ko sya sa gulat kaya di nakuha..sabi ni erpat anak ng ...... pag ganyan na ang sitwasyon wag ka ng lalaban at baka umuwi ka ng may gripo sa tagiliran mawalan pa ko ng amasonang anak. Noong ako'y tumuntong ng disiotso aba'y akalain mong ngumawa habang kami'y nagsasayaw sa dancefloor at natiniktinik na ko sa hawak kong rosas dahil sa kapipigil na maluha. At noong kami'y magpaalam ng lalagay sa tahimik eh natahimik sya (ha ha ha) pero syempre natanggap naman nya dahil mabait naman ang aking kabiyak, nasabi nya lang sakin na magaasawa ka na michelle tama na ang panonood mo ng Cinderella at Snow White. Hay kay bilis ng panahon i wish mabawi ko rin yung mga araw na hindi kami magkakasama. Miss you pop! love you so much!!! See you soon!
Posted by @chellie@ at 7:56 PM 0 comments
Labels: Love ones
Monday, June 9, 2008
Emoterang Ate
aking sister/bestfriend isang graphic artist sa isang kilalang company na nagdedesign ng toys at mga happy meal, kiddie meal etc etc... gustong mag abroad para tumaas ang market value at makaipon din. hikain nung bata, at sobrang inggit ako dahil sa malakas na metabolism nya kahit kumain ng bandihadong kanin eh hindi tumataba...(putcha) sana ako din. Namana nya ang pag ka addik ko sa beatles at mas magaling na sya mag gitara kesa sakin. Malambing din na kapatid. Antukin pag nanonood ng movie. Araw araw kaming nag chachat para makakuha ng update sa mga kaganapan sa aming pamilya.
At syempre ang aking everdearest papa and mama, sino ba kamukha ko he he. Miss na miss ko na rin sila. Ang sabay sabay namin pagkain ng hapunan. Ang sabay sabay namin pag sisimba tuwing sunday. Last april pa kami nagkita kita at pinagluto ko sila ng burger steak at Carbonara bago ko umalis.
Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya lalo na ngayon lang din naman ako nalayo sa kanila. Pero wala naman akong bahid ng pagsisi dahil proud naman ako na maayos ang pagsasama namin ni hubby at napakarami namin natututunan sa bawat araw na nagdaan (naks, ayos)
See you soon!!! miss you all!!! love you!!!
Posted by @chellie@ at 9:48 PM 2 comments
Labels: Chikahan, kapraningan, Love ones
Friday, April 25, 2008
Pictures of the Week
Posted by @chellie@ at 10:13 PM 0 comments
Labels: Love ones
Tuesday, December 4, 2007
I MISS
Dami ko na mimiss these past few days siguro dahil malapit na kami umuwi sa manila kaya excited na ko yun nga lang ilang days lang kami mag stay sa manila kasi may work pa si Igo kaya di kami pwede magtagal di rin ma kapag leave dahil peak season na.
Epeng n Jovi Mom n Pop Me n Shiela
Di bale ilang days nalang makakasama ko na sila.

Jamilla Eunice , ROjh and Samantha grace..Ang cuteeee!!! inggit ako wwaaaahhhhhh!!!ako nalang wala "kamusta naman yun" divah...di bale next year double time Promise!!!
look at her face nairita sa picture inipit kasi namin yung mukha nya...ginising kami at nangulit. sana maka drop by kami sa kanila sa cavite bago bumalik dito.
Posted by @chellie@ at 3:29 PM 0 comments
.jpg)
.jpg)

.jpg)
.jpg)
.jpg)
