Friday, July 25, 2008

Bengay Plss!!!

President's Gym here in Bacolod City

Another day in the gym at ito ako parang nauupos na kandila, parang pinaddle ng 100 times, parang umakyat sa bundok ng tralala, parang nakipag sparing kay pacman, parang ginahasa sa sakit ng muscle ko aruy..a At ang Program para sakin simple lang naman 1 solid meal a day kamusta naman yun??? at ito pa 4days of cardio exercise and 2 days of weight lifting aruy!!! at ang dapat kong tanggalin na pounds naku hindi kayo magugulat 50 pounds lang naman sisiw diba. Yan ang na gain ko kakalaro ng lintek na playstation na yun. Ngayon kailangan kong disiplinahin ang aking sarili sa mga pagkain naka gawian goodluck na lang.

Kagabi nahirapan akong makatulog may kung anong tumutunog sa tyan ko parang nagwewelga sila at inunahan pa ang SONA ni gloria ang sabi nila...

Tyan ko: hoy babae pakainin mo kami, maraming nagugutom dito ano kaba? ang kapal ng fes mo pagkatapos mo kaming alagaan ng sobra bigla ka na lang mangiiwan sa ere...

ako: wag kayong maingay baka magising yung asawa ko mangaasar lang yun (tinabunan ng unan para di halata)

Tyan ko: Pakainin mo kami! pakainin mo kami! hindi ka namin tatantanan.

Ako: (kumukulo pa rin gusto ng pumunta sa ref para kumuha ng tsibog) mga letse kayo makisama kayo, kayo rin makikinabang dito uso na diabetes ngayon kaya dapat healthy na ang kinakain nyo mga *&@%+@ nyo patulugin nyo na ko plss!!!

di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari, di ko alam kung nahimatay ako sa gutom o kusang nakatulog. Ngayon wala munang luto-luto pahinga muna si kumareng kalan. Mahaba-habang trabahuhan to. Dont worry mga ka-blog-gang magbibigay ako ng update lagi kung may nangyayari ba sa pinaggagawa ko kung hindi na ko nakakadalaw sa inyo eh malamang nasa ospital na ko nun hehe, Sa ngayon kailangan ko muna ng Bengay mga 10 pwede na...

17 comments:

rej said...

ahihih..naiingit ako sa work out
tagal ko n d nkkpag work out
pasabay paminsan
lolz

ei thnx for the xlink
naadmit n din po kita....

Jhamy whoops! said...

ahahha!! paking shet naman! war of world to!! talagang nag welga ang kalamnan mo ha!! hehe!!

astig!!

TENTAY™ said...

Huwaw mare!! isdatchu?! shushalen ha! nagpapasexy ulit para kay hubby at magbukas ulit ng unti botones? hahahaha. di ko malilimutan yon tip mong yon dati.

Mare, nilangaw ako sa chowking? wala ata don ang para sakin? wahahhaha!!

Galingan mo dyan dahil ako 1 week lang sumuko na agad dahil hindi ako makaakyat ng hagdan sa saket ng legs ko. at feeling ko dinedeprive ko sarili ko non. kaya heto. kainnn!!

tara mare, kaen tayo cake sarap oh?

@chellie@ said...

@rej tara sabay na more energy mas happy...go go go

@jham oo nga ayaw makisama pinugbog ko nga eh

@tentay oi kumare musta na oo kailangan baka mapagiwanan ako sa kangkungan mahirap na, kailangan careerin kulang na nga lang lunukin ko bengay,salonpas at iba pa matanggal lang ang sakit.

hahahaha talaga! san chowking ba yan baka dating store ko yan masabihan ang mga papable dyan.

oi hala! nangiinggit Sugarfree ba yang cake mo mare...naks umaarte na ko hihihi!

ROneiluke said...

wahehehe!! pinatawa mo ako sobra..hahaha!! ako tamang hip hop abs lang pero sobrang nakakapagod na...hehe! kaya mo yan...just imagine yourself losing all those pounds...hehe

@chellie@ said...

@roneiluke salamat sa pagdalaw haha nag hiphop abs din ako pati nga i want those abs kaya lang tinatamad ako pag sa house lang dapat ibang environment hehe

ROneiluke said...

go go go!!! sadly i am forced to stop hip hop abs...nadehydrate daw ako maxado...aun lumapot ang dugo ko...hehe!!! best of luck to you...

prinsesa000 said...

haahhaa.. natawa naman ako dito...
ako rin kailangan ko nang magpapayat pero mga 10 lbs lang masaya na ako dun... kaya lang kasi sobrang sarap kumain e... huhuhu

gudluck sa pagpapapayat mo!!!
balitaan mo kami para naman mainspire akong mag papayat na rin

Nang Magblog si Winkii said...

hahahaha.
mahirap ngang pigilin ang
sigaw ng tiyan. xD
daan ka ulit sa palasyo ko. :)

Nang Magblog si Winkii said...

hello, nandito nanaman ako. :)
please vote me vor idol blog.

http://tiklaton.blogspot.com

vote for
"Winkii: Ang Prinsesa"

salamat!

Nang Magblog si Winkii said...

hello, nandito nanaman ako. :)
please vote me for idol blog.

daan ka sa blog ko.
may link dun. :)

ka bute said...

ahahaha. nagrally ang mga bulate? ;)

> Vanny < said...

aww.. ilang bese ko din binalik mag gym.

as usual.. hanggang balak lang.

wala kcng time. uber bz sa work. ;(

kaya sa bahay na alng ako workout pag may time pa.. :D

TENTAY™ said...

Ahahahha mare, nakain ko na ata lahat ng menu sa chowking wala paren pumapansin, siguro sabi nila "sino ba to patay gutom na ito!" nyahahahhahaha! grabe mare may hirit ka pang sugar free jan ha!!

TENTAY™ said...

mare pati ba fingers mo stressed, hindi ka na makatype. oh no!!

@chellie@ said...

@tentay pasensya na kumareng tentay busy-busyhan eh.

Paulette said...

hahaah! cute naman ng tyan mo may sariling life! lol goodluck sa iyong bagong karir!

Design by Dzelque Blogger Templates 2007-2008